news

Miriam Quiambao says dynamics and maturity in a relationship are  more significant than age differences

by Jocelyn Jimenez posted on June 29, 2011  STATS: 18753 Views | 4 Comments

 

"It's really sa dynamics ninyong dalawa, e, [kung] okay kayo, willing kayo to work on the relationship," says Miriam.

Photo By: Nimfa Chua

Isang ina ang ginagampanang role ng dating beauty queen na si Miriam Quiambao sa kauna-unahang fantaserye ng TV5, ang Bangis.

Bagamat wala pa raw siyang experience sa pagiging nanay, hindi naman daw siya nahirapan na gampanan ang nasabing role.

"Wala pa kong experience sa pagiging nanay, pero nanay na yung role ko. Pero I have to be that.

"Tsaka dapat gawin ko ang magagawa ko para mabigyan ko ng justice yung role," sabi ni Miriam sa grand launch ng Bangis kahapon, June 28, sa Annabel's restaurant Tomas Morato.

ON RELATIONSHIPS. Limang taon na rin ang lumipas nang maghiwalay sila ng kanyang napangasawang Italian businessman na si Claudio Rondinelli noong 2006.

Pero nananatili pa rin daw single ngayon si Miriam.

Kahit pa sabihing single ang beauty queen turned TV host-actress, may nagpapatibok na ba ng puso niya ngayon?

"Well, meron akong mga kinikilalang boys!" natatawang sagot niya.

Pero giit niya, ayaw na lang daw niya kasing madaliin ang pagpasok sa isang relasyon. Mas maige raw na makilala muna niya nang mabuti ang kanyang mga nakaka-date.

Aniya, "Kung puwede nga lang mabilis na, di ba?

"Kaya lang, dahil nga parang kinikilala ko na yung mga [nakaka-date ko], siyempre it takes time."

Dahil ba ito sa nangyari sa kanila noon ng kanyang ex-husband?

"Oo, kasi... Di ba, parang dati whirlwind, di ba? Sa ngayon, kinikilala ko talaga yung kung sino man," saad niya.

Pero kahit naging masakit ang paghihiwalay nila noon ni Claudio, okay naman na raw sila at minsan ay nagkakausap pa rin.

"Madalang [ang communication namin], kasi nakapangasawa na siya uli, e. Happy naman ako for him, I wish him well."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • maemaechua

    07/01/2011 | 01:13 AM
    WELL,,WE LOVE MIRIAM NAMAN,,MATALINO AT MAAYOS NA BABAE,,NADAPA LANG TLAGA SYA DUN SA ITALIAN SA KAKAMADALI NILA,,HAYAN,,MORAL LESSONS,,WAG MADILLIN ANG PAG AASAWA,KILALANIN MUNA ANG ISAT ISA,,KASE MAHIRAP NA PAG ANDUN KANA,,DIBA,,TAMA KA MIRIAM,,,U BETTER SINGLE BLESSEDNESS WID GOD NA MUNA,IM SURE,PAG NAKILALA MO NG MAAYOS SI GOD IBIBIGAY NYA S AYO ANG TAMANG GUY NA FOR U LANG TLAGA..NA TAMA SAYO,,ISANG SIMPLE,RESPONSABLE,NIRERSPETO KA,MAKA DYOS AT STABLE NA GUY,,NA GUD INFLUENCE SAYO,.MAS LOVE NAMIN SI MIRRIAM NOW KASE LALO SYANG NAPALAPIT SA DYOS,AT INAYOS NYA ANG LAHAT,,LOVE IT!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • critical_critic

    06/30/2011 | 10:02 PM
    lipas ka na teh
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • gayanggang

    06/30/2011 | 03:07 PM
    sayang yung ex mo na martin yata pangalan nun. engage na nga kayo nun diba? may date na rin ang kasal nyo. kaya lang nagkagustuhan kayo ni hans montenegro sa unang hirit. hiniwalayan mo si martin. pero thats life. kung hindi para sayo hindi sayo. better luck next time na lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • capisceniente

    06/30/2011 | 12:11 AM
    Wag ka manghinayang sa Italiano na yun. Most Italians do not make good husbands to Filipinas. You deserve someone better.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About