"Masaya ang grupo, pambata. Mas mapapanood ng anak ko. Hindi ako matatakot na makita ni Xonia na pumapatay ako ng tao. 'Eto kasi, komedyante ako. So, siguro nasa pagpili na rin ng project and thankful ako na may ganitong show, kasi ibang genre 'to, e," says Paolo Contis about his latest project, Futbolilits.

Photo: Wilson Chua

Dapat sana'y ay kasama si Paolo Contis sa cast ng epicserye ng GMA-7 na Amaya. Pero ilang araw bago magsimula ang taping ay nag-backout ang aktor sa project na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

May personal reason na ibinigay si Paolo kung bakit niya kinailangang mag-backout sa show. Ito ay dahil ayaw niyang mawalay nang matagal sa kanyang mga anak since malalayo raw ang locations ng Amaya. (CLICK HERE to read related story.)

Pero may ipinalit naman ang GMA-7 na proyekto para kay Paolo. Ito ay ang early primetime series na Futbolilits, na magsisimula nang mapanood sa Lunes, July 4.

Ang Futbolilits ang papalit sa Magic Palayok na magtatapos na sa Biyernes, July 1.

TELESERYE FOR KIDS. Sa press conference ng Futbolilits kagabi, June 28, sa Studio 7 ng GMA Network Center, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo kung masaya siya na pambata ang tema ng serye na ginagawa niya ngayon imbes na ang Amaya.

"Honestly, kakasabi ko lang kala Ma'am Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV]. Oo, maganda, e.

"Kanina nga, kausap ko sila, sabi ko, thank you, pumayag sila na hindi ko muna gawin yung Amaya.

"Kasi ako, kapag gumagawa ng ano...gusto ko 110 percent na ready ka. 

"Noong dumating 'to, perfect. Tapos, sobrang into the show ako.

"Masaya ang grupo, pambata. Mas mapapanood ng anak ko.

"Hindi ako matatakot na makita ni Xonia na pumapatay ako ng tao. 'Eto kasi, komedyante ako.

"So, siguro nasa pagpili na rin ng project and thankful ako na may ganitong show, kasi ibang genre 'to, e."

Dugtong pa niya, "Sabi nila, 'Disney kontrabida. Dapat kontrabida ka ha, pero dapat gusto ka ng tao.'

"Paano yun? E, sanay ako, kapag kontrabida, saksakan na.