Dra. Vicki Belo and Hayden Kho Jr. were very happy to share their engagement. "We're engaged, we're engaged! Yes…but pero matagal na kaming engaged," says Dra. Belo.

Photo: Noel Orsal

Mukhang love is really sweeter the second time around—patunay 'yan sa real-life couple na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr. na umaming engaged na sila.

"We're engaged, we're engaged! Yes…but pero matagal na kaming engaged," masayang pahayag ng celebrity doctor sa panayam sa kanya ng "Chika Minute" ng 24 Oras na ipinalabas noong June 28, Martes.

Nagbigay rin ng kaunting detalye si Dra. Belo sa nangyaring engagement nila ni Hayden.

"Sa America ginawa nung December, nag-kneel down pa siya, in fairness," kinikilig na sabi niya.

"Isang madalian…pero ang ganda ng ring ko," dagdag niya.

Ang engagement ring dumano nina Dra. Belo at Hayden, ayon sa "sugar and spice columnist" na si Grace Lee ay "a princess cut diamond elegantly set in a band studded with small diamonds."

Ipinaliwanag naman ni Hayden kung bakit nila piniling ilihim muna ang kanilang engagement sa publiko.

"Gusto muna naming ma-enjoy, 'yong, 'yong, 'yong…feeling," sabi niya.

Dagdag naman ni Dra. Belo, "Private."

Maraming kontrobersiya na pinagdaanan ang relasyon nina Dra. Belo at Hayden, ngunit sa paglipas ng panahon ay napaglabanan nila itong lahat at naging matatag pa rin ang kanilang pagsasama.

Samantala, pinabulaanan naman ni Dra. Belo ang balitang kumakalat na sa Nobyembre na raw sila ikakasal.

Kung kailan, saan, at pati na rin ang motif ng kanilang magiging kasal, ipinangako ng dalawa na isasapubliko nila ang lahat ng ito.