May pagka-witch daw si Angelika dela Cruz sa character na ginagampanan niya sa bagong early primetime series ng GMA-7 na Futbolilits. Pero tila wala raw naniniwala at nagseseryoso na may powers siya.
Ito ang natatawang kuwento ni Angelika nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Futbolilits noong Martes ng gabi, June 28, sa Studio 7 ng GMA Network Center.
"Hindi nila ako sineseryoso. Kaya lahat sila, kinikiyeme nila ako.
"Light lang siya actually. Lahat kami, yung role namin, light lang.
"Mag-asawa kami ni Paolo [Contis] na may pagka-bad.
"Pero yung pagka-bad namin, parang Disney na light lang siya, fun siyang gawin."
Isang buwan lang nagpahinga si Angelika pagkatapos ng huli niyang soap na Dwarfina. Pero masaya si Angelika na hindi siya halos nababakante ng projects sa Kapuso network.
"Masaya ako," sambit niya.
"Wala akong problema kung sinasabing hindi man yung lead role talaga. Walang problema sa akin yun.
"Ayoko lang din ng wala akong ginagawa. Ayoko rin naman ng sobra.
"Kasi siyempre, gusto ko rin naman na yung time ko for Gabby, nandoon lagi."
Si Gabby ang two-year-old son ni Angelika at ng mister niyang si Orion Casareo.
ANOTHER BABY? Wala pa ba silang plano na bigyan ng kapatid si Gabby?
"Hindi naman sa ayoko," sabi ng aktres.
"Siyempre, gusto ko. Gusto ko nga dalawa pa.




0

