"I really like her as a friend. She's very, very nice. I like Maja but she's really concentrated on her career now," says Matteo Guidicelli about Maja Salvador.

 

Photo: Sany Chua

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor-TV host na si Matteo Gudicelli kanina, June 30, sa compound ng ABS-CBN pagkatapos ng Happy Yipee Yehey!.

Nilinaw ni Matteo na walang katotohanan ang napabalitang umamin siya na may relasyon sila ng aktres na si Maja Salvador.

Ayon kasi sa lumabas na report, bigla raw umamin si Matteo dahil nagselos siya nang makarating sa kanya na biglang hinalikan ni Coco Martin si Maja nang mag-duet ang dalawa sa kanilang mall show para sa serye nilang Minsan Lang Kita Iibigin.

"Hindi naman. Hindi naman ako nagseselos. Wala namang selos," tanggi ni Matteo

Dagdag pa niya, "Hindi naman ako umaamin po. Wala po akong inaamin.

"Ang sinasabi ko lang, we're special friends. Close na close na kami.

"Siya ang pinaka-close na babae sa akin ngayon." 

Pero puwedeng humantong 'yun sa mas mataas na level?

"Puwede...pero hindi ngayon," sagot niya.

"Siyempre, ang ganda-ganda ni Maja. Ang sinasabi ko talaga si Maja is a perfect girlfriend."

Bakit perfect girlfriend? Ano yung qualities na yun?

"Talented, mabait sa lahat ng mga tao. Blessed. Respectful...

"Number one yung trabaho. Kapag may trabaho 'yan, 100 percent ibibigay niya, sobra."

Hindi ba siya natatarayan kay Maja? May image daw kasing ganoon ang young actress.