"I really like her as a friend. She's very, very nice. I like Maja but she's really concentrated on her career now," says Matteo Guidicelli about Maja Salvador.

 

Photo: Sany Chua

"Mga tao-tao lang ang nakaka-misunderstood sa kanya. Marami namang taong malapit sa kanya."

Baka hindi siya natatarayan dahil special din siya kay Maja?

"Hindi naman," nakangiting sagot ni Matteo.

COCO-MAJA TANDEM. Hindi ba siya natatakot na patuloy ang pagkaka-link ni Maja kay Coco? Paano kung ma-develop silang dalawa?

"E, di sila na! Wala naman tayong magagawa diyan!"  tumatawa niyang tugon.

Pero malabo bang mangyari yun?

"Baka hindi!" tawa niya ulit.

Bakit nasabi niya na hindi puwedeng maging sina Maja at Coco?

"Hindi, joke lang yun," sabi ni Matteo.

MAJA IS SINGLE. Pero sinasabi rin ni Matteo na sigurado siyang walang boyfriend ngayon si Maja.

"Oo, sigurado ako na walang boyfriend si Maja.

"Close kami, e. Pag nag-hang out kami, kasama si Kim Chiu...dami kami na magkakaibigan. Palagi kaming magkasama.

"Atsaka kilala ko si Maja."

Pero bakit kapag si Maja ang tinutukso ng mga kaibigan nitong press, hindi nagdi-deny pag nakikita silang magkasama ni Matteo?

"Hindi ko alam...siya!"