"I really like her as a friend. She's very, very nice. I like Maja but she's really concentrated on her career now," says Matteo Guidicelli about Maja Salvador.

 

Photo: Sany Chua

Hindi nga lang niya natapos ang kurso niya dahil na-homesick siya at gusto na niyang pasukin ang showbiz.

Wala raw musical theater course dito sa Pilipinas, pero next year ay gusto niyang tapusin ang college niya ng kursong Communication Arts.

Pero nahahasa naman ang kanyang pagkanta dahil sa regular stint niya sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP Rocks.

Bukod dito, magkakaroon ng show si Matteo sa Zirkoh Tomas Morato titled Pagdating ng Moment sa Sabado, July 2. Makakasama niya rito sina Aiza Seguerra, Erik Santos, Princess Velasco, at Ate Gay.

Excited daw si Matteo na makasama sa isang special show sina Aiza, Princess at Erik.

"Sa ASAP lang kami nagkakasama ni Aiza. Si Erik, nakasama ko siyang kumanta sa ASAP nung Linggo. Si Princess, nakasama ko sa ASAP Boracay, pero sa live show, ngayong Sabado lang," sabi niya.

Ano ang feeling na puro singers ang kasama niya sa show?

"Oo, masaya. Sobrang excited," sambit ni Matteo.