news

Annabelle Rama cries foul over approximately one-million-peso deduction from son Richard Gutierrez's talent fee

by Nerisa Almo posted on June 30, 2011  STATS: 1174 Views | 114 Comments

 

Annabelle Rama is reportedly mad again. According to the column written by TV host and radio broadcaster German Moreno, "[U]gat ng kanyang galit ang sinasabi niyang pagmamaltrato sa kanyang anak na si Richard Gutierrez dahil nakaltasan daw ng P1m ang tf nito."

 

Photo By: Noel Orsal

Usap-usapan ngayon na nagagalit daw ang talent manager na si Annabelle Rama dahil sa isang kautusan umano na bawasan ng mahigit isang milyong piso ang talent fee ng kanyang anak na si Richard Gutierrez.

Ayon sa impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang pagkakaltas ay ipinag-utos ng GMA-7 management dahil umano sa pag-absent ng aktor sa isang taping day ng pinagbibidahan niyang telefantasya na Captain Barbell.

Ang depensa ng ina at manager ng aktor, hindi raw ito nakasipot sa taping bunga ng kanyang pagkakasakit. Pero hindi nabanggit sa kahit anumang report kung ano ang naging karamdaman ni Richard.

May isa pang isyu na nagsasabing may kinalaman umano sa desisyon ng network ang alitan ni Annabelle at ng isang executive na dati na niyang nakaaway.

Sa column ni German Moreno, sinabi nitong, "[U]gat ng kanyang galit ang sinasabi niyang pagmamaltrato sa kanyang anak na si Richard Gutierrez dahil nakaltasan daw ng P1m ang tf nito."

Ang item na ito ay lumabas sa "That's Entertainment" column niya sa Pilipino Star Ngayon noong Martes, Hunyo 28.

Sinubukan ng PEP na alamin ang puno't dulo nito sa pamamagitan ng pag-kontak sa corporate communication ng network. Ito ang maikling statement na ipinadala ng head ng department na si Angel Javier sa managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan kanina, June 30, sa pamamagitan ng text:

"GMA Network is currently reviewing the claim of Richard Gutierrez's manager and mother, Ms Annabelle Rama regarding the alleged deduction from his talent fee."

Kinontak din ng PEP si Annabelle para tanungin siya tungkol sa dahilan ng pagkaltas sa kita ng anak, pero ang maikling nitong sagot: "Saan."

Bukas ang website na ito para sa anumang pahayag na nais iparating ng kampo nina Annabelle Rama at Richard Gutierrez tungkol sa isyu, pati na rin ng GMA-7.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

114 Comments

  • 114  kilabotako

    07/02/2011 | 11:04 AM
    OK,,WORK IS WORK,,MAGING DECENT AT PROFFESIONAL WEN IT COMES IN WORK,LALO NA SA SHOWBIZ,IF NOT,MASISIRA O MAGPAPAKASIRA KA,WALA NA,,AAYWAN KA NA NG TAO,,PROFFESIONALISM IS A MUST,..IF EVER MAY MGA BAGAY NA HINDI MAIIWASAN TULAD NG MATINDING PAGKAKASAKIT,SANA MAGKA SICK LEAVE FORM DIN ITO GAYA SA IBANG COMPANY OR ANY PROOF,OR ANY CALL FORM D STARS NA MAG IINFORM NA NAGKASAKIT ITO O WATVERE REASON BAKIT KA ABSENT,,HINDI NA BATA DIBA!IMMATURED NAMAN,,OA NAMAN PO KUNG KAKALTASAN NG 1 MILYON,WAHAHAAHHHHAHAAAHAHAH,,,FUNNY,,VERY FUNNY,WAG NYO NAMANG PA OA YAN ANG SITWASYON,.SIMPLE LANG YAN,GAWAN NYO PA NG ISYU,KAHIT NAMAN AKO BAKIT 1 MILYON,R U JOKING?O PASHOWBIZ ITO,KALA NAMAN NYO NAKAKATULONG ANG ISYUNG ITO?ANG TAMANG PAG TRATO SA TALENT AY IPAPATAWAG MO SIYA,CLOSED DOOR MEETING,MAG UUSAP KAYO,ONE ON ONE,GANUN,IDAAN LAGI SA LEGAL AT PROFFESIONAL NA USAPAN,.YUN LANG,,,OA NG ISYU,,YUCK!NAKAKA NEGA,,WAHAHAHAAHHAHSTOP THIS,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  totoysipa

    07/02/2011 | 10:29 AM
    GMA has every right to deduct certain amounts kapag nag-absent sa taping ang isang artista. Annabelle, sige nga, ilipat mo ng network si Richard. Takutin mo ang GMA management na ililipat mo siya and your other 'talents.' Kung noon umubra ang pananakot mo sa GMA, palagay ko lang hindi na pwede iyan ngayon kasi wala ng star value ang anak mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  dannymaclan

    07/02/2011 | 09:33 AM
    if it is a guaranteed contract i can only assume that if it is the fault of the producer for the delay or cancellation of the the project then richard deserves the full talent fee. otherwise richard has to take a pay cut. like a pba player if the team does not want his services before his contract expires then the team has to pay a guaranteed buy out amount. the problem with richard's manager, who unfortunately is his mom, her brain travels at a slower rate then her mouth.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  sexydulce

    07/02/2011 | 02:04 AM
    hmm, i don't think his acting is worth millions. and tama lang na bawasan ang talent fee kung absent. parang empleyado ka rin sa opisina- no work or awol, no pay. as simple as that.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  kapamilyaakotodo

    07/02/2011 | 01:45 AM
    Lipat na lang siya ABS CBN haha sa ABS sisikat ka talaga at magmamarka at makikilala..eh sa GMA di ko kilala mga artista hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  ichigo510

    07/01/2011 | 11:34 PM
    retsard your acting is not worth a million.. dapat syo tf mo mga 20k lang... plsssss.... never ako na impress sa arte mo, di lang ikaw, lahat ng gutierrez.. mga kapatid mong pa extra-extra parang mga robot din kung umarte.. ruffa panay naman sigaw.. hay naku.. mag business nalang kayo, at wag na mag artista.. buti pa si raymunding, infairness pwede na sa hosting niya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  khannarie

    07/01/2011 | 10:18 PM
    kung sa pag-arte ang pagbabasehan, di nya deserved ang malaking talent fee. pero kasi kadalasan, appeal at face value lang ang labanan kaya marami tayong artista na masyadong over rated ngayon. naalala ko tuloy ang mga kawawa nating theatre actors na may sarili din isyu now xD kegagaling umarte pero barya-barya lang kita at madalas ty pa. eh tong mga actor-actoran natin sa tv puro sa kaartehan lang magaling xD
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  oskieness

    07/01/2011 | 10:17 PM
    1 million ang kaltas wala lang nmn un sa milyon milyon na tf n binibgy ng KAPUSO NETWORK..hnde nmn katulad sa KAPAMILYA NA 5K LANG ang TF ng artista nilang lumipat sa KAPATID..hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 106  dikit007

    07/01/2011 | 10:03 PM
    I totally agree sa mga nagsasabi na wala namang talent si Richard sa acting. Masuerte lang siya dahil he has looks from his dad and thats it. On the show of CB - Captain Barbell, i think they should change it to CP - Costume Party. Yeah as in COSTUME PARTY!! Everytime I sight that show, I always think na parang isang costume party na puro walang kwentang super heroes ang cast.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 105  humanoid

    07/01/2011 | 04:58 PM
    hoy marafya2, ok ka lang? pinagkukumpara mo c dd at rg? ito ang masasabi ko lang sau kaya nag hit movie ni dd dahil andun c marian ok? madaming fans c marian kumpara sa dd mo, ang kaibahan lng educated yang dd mo pero PANGIT! hahaha a big PANGIT! everrr
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 104  hawaiianBOY

    07/01/2011 | 03:48 PM
    gahaman ni anabil!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 103  Idol_fanatic_05

    07/01/2011 | 03:42 PM
    parang awa nyo na wag nyo ilipat si retsard sa abs cbn. baka lalong lumaki ang napakalaki nang ulo ni anabilbil. kala mo naman napaka galing umarte ng anak. pasalamat nga sya at inaccept pa sya ng GMA kahit wala syang talent. PWEE!!! hayy bakit kaya yung deserving makarma e hindi kinakarma. sana naman makarma na yang annabil na yan ng sobra sobra. kala ko ba pinaparusahan ng Diyos ang mga mapangmataas. hindi pa ba ganun ka taas ang pride ni annabil? hmmmm
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 102  yanzee

    07/01/2011 | 02:17 PM
    may kararapatan naman si bisaya magalit, wala sa kontrata ang bawasan kung absent. ngayon lng nagpalabas ng memo ang GMA nabasa ko sa philstar news sa mga guaranteed contract na kaltasan kung tumanggi sa mga shows o project. pati kung mababa ang ratings tsugi agad. kaya matsugi na ang family feud, kitchen superstar at nauna na ang starbox. di nakapagtataka kung madaming lilipat sa tv5 sa patakarang ito. kawawa yong mga pasaway at feeling sikat
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 101  sylvester

    07/01/2011 | 02:13 PM
    yun naman pala eh kasalanan ni richard, ang dami nga namang naghintay ng pagdating nya, nagastusan ang production tapos din sya sumipot... tsktsktsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 100  krispy_cookie_krema

    07/01/2011 | 02:12 PM
    1M? anu yan just for one month? interesting.....how much kaya ang TF nya....sarap pala maging artista, madaling magkapera basta may itsura ka kahit wala ka gaano talent
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 99  indiahenretta

    07/01/2011 | 02:00 PM
    Oh No! Mader Bisaya is for sure upset and angry! WHY oh WHY! If I know Mader Bisaya will FIGHT TOOTH and NAIL, sayang yata iyon MILLION ang pinag uusapan,HINDI basta basta lang. I thought MANAGER si Mader Bisaya, how can this happen? I am sure mag ka gira na saan man sa mundo NO WAY na PAPAYAG si MADER BISAYA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 98  genetophile

    07/01/2011 | 01:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 97  StocksAndBonds

    07/01/2011 | 11:38 AM
    kailan ba'to makukulong??? can't stand themmmmmmmmmm!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 96  wanna_change

    07/01/2011 | 11:37 AM
    tapos na yung panahon na kahit wala kang talent, kumikita pa rin ang iyong show. eto yung time of mediocrity, people just watch thw show because of the star, not the quality of the show. ngayon, may yardstick na at yun ay ang Amaya. Dyan na dapat mag-measure si Wilma G. ng mga talent sa GMA hindi lang mga actors kundi mga writers at directors.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 95  manunuri1000

    07/01/2011 | 11:29 AM
    tsugi dapat yan ng GMA.. honestly di siya maganda uripon talaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About