"For your better understanding, I've only had one boyfriend before Jake whom I've only been seeing for the past 2 months. Therefore, Jake cannot be the said ex-boyfriend whom everyone has been talking about," says Andi Eigenmann on her Twitter account.

Photo: Noel Orsal

Sa hindi pa ring matigil na espekulasyon tungkol sa katauhan ng ama ng ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann, binasag na ng young actress ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng Twitter account niya.

Isang maikling mensahe ang ipinost ni Andi, 21, sa Twitter kaninang bandang alas-otso ng gabi, June 30, at ito ang nakasaad:

"For your better understanding, I've only had one boyfriend before Jake whom I've only been seeing for the past 2 months. Therefore, Jake cannot be the said ex-boyfriend whom everyone has been talking about."

Ang tinutukoy na "Jake" ni Andi ay si Jake Ejercito, ang anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Nauna rito ay itinanggi na ni Jake, sa pamamagitan din ng Twitter, na siya ang "first boyfriend" ni Andi. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kasi sa ina ni Andi na si Jaclyn Jose, ang ama ng dinadala ng kanyang anak ay ang "first boyfriend" nito. Ngunit hindi niya ito direktang pinangalanan.

Ayon pa sa aktres, iniwan daw ng lalake ang kanyang anak nang nabuntis ito. (CLICK HERE to read related story.)

ALBIE CASIÑO. Sa pagkakaalam ng publiko, ang isa pang naging boyfriend ni Andi ay ang young actor na si Albie Casiño.

Base sa reports na nagsilabasan, naging magkasintahan sina Andi at Albie bago pa sila kapwa pumasok sa showbiz.

May nagsasabing nagkahiwalay ang dalawa noong nakaraang taon. Pero may reports ding nagsasabi na noon lamang February 2011 sila nag-break.

Nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng dating magkasintahan dahil sa pinaratangan diumano ni Albie si Andi bilang "cheater" noong May 2011. (CLICK HERE to read related story.)

Apat na buwan at dalawang linggo ang dinadala ni Andi sa kanyang sinapupunan.

Wala pang direktang pahayag si Albie tungkol sa pagbubuntis ni Andi, pero sa personal Twitter account ng ina ng young actor na si Rina Lee Casiño noong June 29, sinabi nito na hindi ang kanyang anak ang first boyfriend ni Andi.

"No one's denying nor confirming. Just saying he is not her 1st bf & I didnt hear ms jaclyn say Albie did u?"