Gabby Eigenmann on sister Andi's pregnancy: "I am proud of her determination because she chose the mature and right path to happiness."

Rose Garcia
Thursday, June 30, 2011 @ 01:45AM  |  73479 views

 

"As her eldest brother, I am proud that another life will be added to our family and to this world. I believe that she will always do the right thing especially now that she will be a mother soon," says Gabby Eigenmann about the pregnancy of his sister Andi.

Photo By: Noel Orsal & Jocelyn Dimaculangan













Nang kumalat ang blind item tungkol sa isang young actress na diumano'y nagdadalang-tao, at nang lumaon nga ay pinangalanan na si Andi Eigenmann, may mga nagtangka nang kontakin at hingan ng pahayag o komento ang nakatatandang kapatid nito na si Gabby Eigenmann.

Sina Andi at Gabby ay magkapatid sa ama—si Mark Gil.

Si Andi ay anak ng aktor sa award-winning actress na si Jaclyn Jose. Samantalang si Gabby ay anak ni Mark sa aktres ding si Irene Celebre.

Bagamat magkapatid lamang sa ama sina Gabby at Andi, masasabing daig pa nila ang magkapatid na buo.

Si Gabby rin ang madalas na nalalapitan at nakakausap ni Jaclyn pagdating kay Andi. Gayundin naman si Andi sa aktor bilang kuya nito. 

At sa mga naunang panayam ng PEP kay Gabby, hindi nito itinanggi kung gaano siya ka-supportive sa kanyang mga kapatid, lalo na sa mga babae.

Naging magalang naman si Gabby sa paghingi ng paumanhin at tumanggi sa interview, lalo pa nga't wala pa namang kumpirmasyon o pagtanggi mula mismo sa mga taong sangkot dito noong panahong 'yon.

Pero kagabi, June 29, pagkatapos ng kumpirmasyon ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose na buntis nga ang kanyang anak, muling binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby kung maaari na siyang magbigay ng pahayag.

Sa pagkakataong ito ay nagpaunlak na siya.

Sa pamamagitan ng text message ay ipinadala ni Gabby sa PEP kanina, June 30, ang kanyang pahayag o saloobin sa sitwasyon na kinasusuungan ngayon ng pinakabunsong kapatid.

Narito ang kanyang pahayag:

"I regard Andi as my little sister, which she will always be...and every time I would talk to her or see her, the last thing I expect to hear is an announcement of this sort.

"After a couple of days, when reality settled, I came to appreciate the beauty of the situation. 

"Today, as her eldest brother, I am proud that another life will be added to our family and to this world. 

"I believe that she will always do the right thing especially now that she will be a mother soon.

1  2  Next »

Related Articles

51 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name