Newcomer CJ Caparas does not feel any pressure being the son of "mega couple" Carlo J. Caparas and Donna Villa

Rommel Gonzales
Sunday, July 03, 2011 @ 10:35AM  |  43 views

 

"Hindi ko po masyadong mina-mind yung mga naglalagay ng pressure dahil nga anak ako ng mega couple. Dahil hindi din naman po ako pipiliin na gawin itong ginagawa ko kung wala ho silang nakitang potensiyal sa akin. So, actually proud ako, imbes na ma-pressure," says CJ Caparas.

Photo By: Nimfa Chua













Maituturing na baguhan sa larangan ng telebisyon dahil unang primetime show ni CJ Caparas ang Bangis ng TV5.

Nakalabas na siya sa ilang indie movies dati, pero ngayon ay masasabing pinasok na niya ang mainstream showbiz field via his role as Falcon na kaibigan ni Leon, played by Oyo Sotto, sa Bangis.

Kaya hindi na siya nahirapang mag-adjust sa buhay-artista, lalo pa nga at anak siya nina Carlo J. Caparas at Donna Villa.

"Kasi mula pagkabata ko, nakikita ko na itong mga ganitong  buhay, e, so... Naninibago ako kasi ako na mismo ngayon ang nandito

"Hindi na ako nanonood lang," pahayag ng 21-year-old na si CJ sa presscon ng Bangis sa Annabel's restaurant last Tuesday, June 28.

Hindi ba siya nag-request na siya ang gawing bida sa Bangis tutal naman ay ang ama niya ang lumikha ng comics novel na Matatalim Na Pangil Sa Gubat na pinagkuhanan ng kuwento nito?

"Never po, never po akong  nagre-request ng role," sabi ni CJ.

"Gusto ko pong magsimula sa ilalim, e. Ayoko pong isipin ng ibang tao, dahil lang sa dahilan na ito, na nasa itaas na agad.

"Gusto kong  ma-feel yung akyat. Gusto kong umakyat na dahil sa sarili ko.

"Para hindi biglaan yung pressure sa iyo."

Very first primetime show niya ang Bangis.

"Dati po mga indie indie, yung kay [Manny] Pacquiao, tapos mga maliliit na ano po [roles].

"Yung indie film po nila na Pangarap Kong Jackpot na trilogy, yung kay Pacquiao po, nandun ako."

TOP 3 FEMALE STARS. Naitanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay CJ kung sinong local female stars na hinahangaan niya; hiningi namin ang kanyang top three.

"Number one si Marian Rivera. Kasi po ano, yung dating niya po, iba, e.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name