news

Newcomer CJ Caparas does not feel any pressure being the son of "mega couple" Carlo J. Caparas and Donna Villa

by Rommel Gonzales posted on July 3, 2011  STATS: 208 Views | 12 Comments

 

"Hindi ko po masyadong mina-mind yung mga naglalagay ng pressure dahil nga anak ako ng mega couple. Dahil hindi din naman po ako pipiliin na gawin itong ginagawa ko kung wala ho silang nakitang potensiyal sa akin. So, actually proud ako, imbes na ma-pressure," says CJ Caparas.

Photo By: Nimfa Chua

Maituturing na baguhan sa larangan ng telebisyon dahil unang primetime show ni CJ Caparas ang Bangis ng TV5.

Nakalabas na siya sa ilang indie movies dati, pero ngayon ay masasabing pinasok na niya ang mainstream showbiz field via his role as Falcon na kaibigan ni Leon, played by Oyo Sotto, sa Bangis.

Kaya hindi na siya nahirapang mag-adjust sa buhay-artista, lalo pa nga at anak siya nina Carlo J. Caparas at Donna Villa.

"Kasi mula pagkabata ko, nakikita ko na itong mga ganitong  buhay, e, so... Naninibago ako kasi ako na mismo ngayon ang nandito

"Hindi na ako nanonood lang," pahayag ng 21-year-old na si CJ sa presscon ng Bangis sa Annabel's restaurant last Tuesday, June 28.

Hindi ba siya nag-request na siya ang gawing bida sa Bangis tutal naman ay ang ama niya ang lumikha ng comics novel na Matatalim Na Pangil Sa Gubat na pinagkuhanan ng kuwento nito?

"Never po, never po akong  nagre-request ng role," sabi ni CJ.

"Gusto ko pong magsimula sa ilalim, e. Ayoko pong isipin ng ibang tao, dahil lang sa dahilan na ito, na nasa itaas na agad.

"Gusto kong  ma-feel yung akyat. Gusto kong umakyat na dahil sa sarili ko.

"Para hindi biglaan yung pressure sa iyo."

Very first primetime show niya ang Bangis.

"Dati po mga indie indie, yung kay [Manny] Pacquiao, tapos mga maliliit na ano po [roles].

"Yung indie film po nila na Pangarap Kong Jackpot na trilogy, yung kay Pacquiao po, nandun ako."

TOP 3 FEMALE STARS. Naitanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay CJ kung sinong local female stars na hinahangaan niya; hiningi namin ang kanyang top three.

"Number one si Marian Rivera. Kasi po ano, yung dating niya po, iba, e.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  thommie0626

    07/04/2011 | 09:55 AM
    I-search nyo siya sa Google Images para malaman nyo na nakaka-disappoint ang pep entry na to. Haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  fatedtoloveyou25

    07/03/2011 | 09:27 PM
    sana yung kitang kita tlga ung pagmumuka nya..pra nman bgo kmi magcomment eh tlgang pangit or gwapo cya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  ehemm

    07/03/2011 | 09:20 PM
    why do they have to wear jackets? mga action stars and others, i noticed. is it really cold in the phils? lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Monicafer

    07/03/2011 | 06:34 PM
    May itsura yon lang medyo yata may kahabaan ang kanyang baba. Malabo ba ang kanyang mata?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • JoByrne

    07/03/2011 | 05:35 PM
    yes tama kayo. bakit lagi nga naka shades ang buong pamilya ni carlo caparas?.. takot ba sila sa liwanag? ... vampire? hehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pokengkay

    07/03/2011 | 02:21 PM
    may problema ba sa mata ang pamilya na toh? bakit kailangan lagi naka shades... saka ang panget mukhang goons lng sa pelikula, d ung main kontrabida ha, ung alalay lng ng mga kontrabida, ung madalas na nasisikmuraan at nababatukan... wahehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humanoid

    07/03/2011 | 01:22 PM
    pang kontrabida ang bagay sakanya, hnd bagay maging bida un lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • moviefandin

    07/03/2011 | 01:13 PM
    pogi... kaso tatak siguro ng family nila yun palaging naka-shades....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • almost_nude

    07/03/2011 | 12:48 PM
    parang wala lang di mukhang artistahin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jjjjjjjjjj

    07/03/2011 | 11:13 AM
    lalakeng lalake siya. sus marami na namang mga vadhdingding na maglalaway nito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • DimplesAndPanda

    07/03/2011 | 11:04 AM
    pang-kontrabida looks niya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapusoakotalaga

    07/03/2011 | 10:59 AM
    marian,anne, danita.. ok ha.. naks
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About