"I'm already happy and contented with my body, so wala. At saka, nag-number one na ako, bakit pa ako magpapagawa?" says Sam Pinto when asked if she will undergo any operation to enhance her body.

Photo: Nimfa Chua

Pormal nang ipinakilala ang FHM's Sexiest Woman 2011 na si Sam Pinto sa pamamagitan ng isang press conference kagabi, July 2, sa Midas Hotel in Roxas Boulevard.

Kasama ni Sam na humarap sa press ang tatlo sa nakapasok din sa 100 Sexiest na sina Ellen Adarna, Regine Angeles, at ang July 2011 FHM cover girl na si Eula Valdes.

Obvious sa mukha ni Sam ang kaligayahan being the No. 1 sexiest this year.

Kaya ang unang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, ano nga ba ang eksaktong pakiramdam being hailed as the Sexiest Woman in the Philippines?

"Of course, very, very happy and overwhelmed!" sambit ni Sam.

"I didn't expect it to make it in number one, honestly. 

"From 32, naging number one ako ngayon.

"Sobrang thankful ako sa lahat ng blessing, sobra-sobra po."

Nakadagdag ba sa kanyang kasiyahan na tinalo niya sa No. 1 position ang mga gaya nina Marian Rivera at Angel Locsin, who ranked second and third, respectively?

"Well, they are big names already," sabi ni Sam.

"Me, nag-number one, it's a big, big deal talaga, sobra!

"Actually, nape-pressure at natsa-challenge na rin. After this one, people will expect more from me."

Ano ang gagawin niya to stay on top?

"Ay naku, marami!" natatawang sabi niya.