"I've nothing done talaga and I'm just saying, I'm really proud of it that I didn't do anything with my body. Yun lang. Wala naman akong pinu-point out na anyone," says Sam Pinto.

Photo: Nimfa Chua

After the presscon proper ng FHM's 100 Sexiest Women last Saturday, July 2, sa Midas Hotel on Roxas Blvd ay muling kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Sam Pinto.

Si Sam ang nag-No. 1 sa isinagawang poll ng FHM as this year's Sexiest Pinay.

Hindi nakaligtas sa entertainment press ang bitin na pahayag ni Sam sa presscon proper na "fresh" at wala pa raw siyang pinapa-enhance sa kanyang katawan, unlike sa ibang nag-No. 1 na sa FHM. (CLICK HERE to read related story.)

Ang mga nag-No. 1 as FHM Sexiest Pinay ay sina Angel Locsin (2010, 2005), Cristine Reyes (2009), Marian Rivera (2008), Katrina Halili (2007, 2006), Cindy Kurleto (2004), Diana Zubiri (2003), Assunta de Rossi (2002), Donita Rose (2001), at Sunshine Cruz (2000).

Hindi kaya siya maintriga because of her statement?

"A, totoo naman, di ba?" sagot naman ni Sam.

"Bakit sila magi-guilty about it if that's true? 

"I mean, kung pinagawa mo nga, you should be more proud of it. Kasi, mas maganda naman tingnan."

We told her na parang sa statement niya, tila may alam siya, may mga kilala siya, o tipong kinu-confirm nga niya na may mga nagparetoke na sa past winners ng FHM.

Sabi niya, "Well, in that, I was really talking about myself.

"Kasi, I've nothing done talaga and I'm just saying, I'm really proud of it that I didn't do anything with my body.

"Yun lang. Wala naman akong pinu-point out na anyone.

"And like I've said earlier, kung pinagawa mo nga, be proud of it talaga kasi it really enhances your body."

Nasabi niya rin na baka mapagalitan siya kung banggitin niya ang kanyang tinutukoy.