Actress Maricel Soriano is now caught in a controversy after two of her former househelps accuse her of maltreament.

 

"Kailangan naming lumaban. Para sa hustisya namin. Trauma na ho 'to. Hindi ako makatulog sa gabi kasi naririnig ko ang mura niya," says May Cachuela, one of the househelps.

Photo: Paul Fabregas

Tinalakay sa The Buzz kahapon, July 3, ang tungkol sa reklamo ng dalawang kasambahay dati ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Inaakusahan ng dalawang kasambahay na sina May Cachuela, 22, at Camille Acojedo, 18, si Maricel ng pagmamaltrato diumano sa kanila.

Kumalat ang isyu na ito nang dumulog sa tanggapan ng radio commentator na si Mon Tulfo ang mga dating kasambahay ni Maricel, na diumano'y dumanas ng verbal at physical abuse mula raw sa kanilang amo.

Kuwento ng radio commentator sa The Buzz, "May tumawag sa amin, yung ate ni May na taga-Zambales, na binugbog daw yung kanyang kapatid ni Maricel Soriano.

"Itong staff ko, sinabi na patakbuhin mo sa barangay. Kinaumagahan, sinundo ng assistant ko, pina-medical, tapos sinumbong sa barangay."

Noong July 1, Friday, nakapanayam ng The Buzz ang dalawang kasambahay na nagrereklamo.

Isang Inday Castillo raw ang nag-recruit sa kanila para maging kasambahay ni Maricel. Personal assistant daw ng aktres si Inday.

Noong June 18 lang daw sila namasukan sa pamamahay ng aktres sa Rockwell City, Makati, kunsaan nakatira rin ang anak ni Marya na si Sebastien kasama ang dalawa pang kasambahay.

Ayon kay Camille, "Noong una po, okay naman po. Kasi po si Ma'am, kapag may bisita, mabait po talaga siya."

MARICEL'S "WORDS." Ang mga masasamang salita raw na ibinabato sa kanila ng aktres ang unang nakaapekto sa dalawang kasambahay.

Kuwento ni May, "Unang pasok ko po do'n, laging mura ang naabot. Laging mura kahit may ipapaabot lang ho siya, magmumura siya.

"Si Ma'am ho, ayaw ho niya ng konting mangatwiran kami. Gusto niya ho, lagi ho siyang tama, siya lagi ang pakikinggan."

Sabi naman ni Camille, "Naranasan ko lang ho kay Ma'am talaga, yung pagmumura niya. Kasi po, hindi po talaga namin masikmura yung mura niya.

"Talagang ipapamukha niya pa kung gaano kalutong. Parang pinapakain niya po sa amin ang mura niya."