Aniya, "Kakaasikaso po sa kanya kaya hindi po kami makakain sa oras. Sa sorang pag-aasikaso, sobrang pag-aano ng bahay niya. Minsan po, hindi namin alam, hindi pa po pala kami kumakain."
Ayon naman kay May, na hindi na napigilan ang umiyak, "Kasi doorbell siya nang doorbell. Hindi na ako masyadong kumakain kasi doorbell siya nang doorbell, tawag siya nang tawag."
THE JUNE 29 INCIDENT. Pero ang talagang naging dahilan daw ng pag-alis nila sa poder ng aktres ay ang nangyari noong June 29, Miyerkules.
Ayon sa kuwento ni May, "May recording daw ho siya. So, nag-aayos po kami ng gamit niya. Ako ang taga-ayos ng bag niya.
"May inaayos ho siya na mga ano, mga kulay yellow. Hindi ko ho alam na bitbit ho no'ng isang katulong namin.
"Tapos may hinanap na naman ho siya, yung bilog na pang-makeup daw ho niya. Hindi namin mahanap.
"So, yun, nagwala na ho siya. Nagmumura. Sabi niya, 'Papatayin ko kayo!'
"Tapos po yung cigarette case niya, sabi niya, 'Abot mo sa akin ang cigarette case ko.' So, inabot ko ho sa kanya.
"Tapos yun, noong inabot ko sa kanya yung cigarette case niya, umiiyak po ako kasi hindi ko mapigilan.
"Noong lumapit si Sir Tien, tapos noong ano na, noong inabot ko ang cigarette case niya, sinipa niya ho ako rito [sa hita].
"Sabi ko, 'Ma'am,' sabi ko, 'masakit po, masakit po.'
"Tapos yun po, noong ano na, noong sabi niya, 'Iiyak ka pa? Magpa-medical ka kung gusto mo!'
"Sabi niya, 'Hindi ako matatakot sa 'yo! Magdemanda ka, sige, magdemanda ka! Marami akong pera! Hindi mo ako kaya!'"
Umabot pa raw sa puntong muntik nang maglabas ng baril ang aktres.
Sa patuloy pa ring salaysay ni May, "Babarilin kita!' sabi niya. Kukuha na siya ng baril, e.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
74 pinoyoutube
73 faye0807
72 kapusongsaudi
71 lotwina
70 lotwina
69 lotwina
68 yunikrose
67 ecbacason
66 sojourner_70
65 hampasdagat
64 Mizzmoh
63 yunikrose
62 pinay_rn
61 lotwina
60 lotwina
59 lotwina
58 yunikrose
57 charma7
56 teenette16
55 alexis2222
more comments