"Walang makeup, rugged, tapos it's black and white na medyo grungy. So, you wouldn't know that it's me. If you'll see the picture, it's art," says Ellen Adarna.

Photo: Sany Chua

Nakapasok sa top 10 ng FHM 100 Sexiest Women in the World 2011 ang tinaguriang Internet celebrity at napapanood gabi-gabi sa Captain Barbell na si Ellen Adarna.

Si Ellen daw mismo ay hindi makapaniwala na siya ay No. 10 sa dami ng magaganda at sexy.

"Of course, I didn't expect na Top 10 agad. Considering that it's my first time to get into the list of 100 Sexiest and then, pasok agad ako sa Top 10. Of course, I'm happy, flattered and overwhelmed," sambit niya.

Natawa si Ellen when asked during the FHM press conference at Midas Hotel last Saturday, July 2, kung ngayong nasa Top 10 na siya ay  puwede na siyang sumayaw at kumanta.

Sinasabi kasing isyu kay Ellen ang pagsayaw at pagkanta onstage.

"O, sige na nga, puwede na!" sabi niya.

"Actually, okay naman sa akin na sumayaw. Ang problem ko lang, kulang ang days sa rehearsal.

"Of course, ayoko rin na magmukhang tanga in front of everyone, na hindi ako makapag-rehearse. Usually, it's one day or two days before the show.

"And I guess, kailangan ko pa ng mga dancing workshops para maging confident ako sa pagsayaw ko. 

"But of course, I know how to dance naman."

BOOB JOB. Naging very vocal din si Ellen sa pagsasabing iga-grab niya sakaling mabibigyan siya ng chance na may ipabago sa kanyang katawan.

"To be honest, my boobs," mabilis niyang sabi.

"Yes, why not? If I'll be able to convince myself, why not? I really like. Honest."

If ever, up to what extent niya kayang magpaka-sexy at daring?