"I love my mother and value her happiness above everything. So, I will support her. I'll still be keeping watch on Hayden though and if he hurts her again, I think I really will have to kill him," says Quark Henares about the engagement of his mom, Dra. Vicki Belo, and Hayden Kho.

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos kumpirmahin nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang kanilang engagement—although wala pang eksaktong date as to when and where the wedding will take place—iba't ibang komento na ang naglabasan. (CLICK HERE to read related story.)

May isyu rin na diumano'y tutol sa engagement na ito ang mga anak ni Dra. Vicki sa dati niyang asawa na si Atom Henares—sina Cristalle at Quark Henares.

Sa taped interview ng The Buzz kay Cristalle, iniwasan nito ang isyu sa pamamagitan ng pagbaling sa isyu tungkol sa pagbubuntis ni Andi Eigenmann at ang pagpapakasal diumano noon ni Derek Ramsay.

Then she politely asked na okay na raw yun at hindi na siya nagbigay ng anumang pahayag o reaction.

Isang nakangiting "no comment" lang ang sinabi nito.

Kung si Cristalle ay tumangging magsalita, si Quark naman ay naging very vocal sa pagsasabing hindi siya pabor sa engagement ng kanyang ina at ng controversial na dating cosmetic surgeon.

Narito ang kabuuang statement ni Quark:

"I'm not happy about it. In fact, I don't think anyone outside of the two are. 

"But I love my mother and value her happiness above everything. So, I will support her.

"I'll still be keeping watch on Hayden though and if he hurts her again, I think I really will have to kill him."