"Off-cam and on-cam, nag-aaway kami!" says Melai Cantiveros about her relationship with boyfriend Jason Francisco.

 

Photo: Noel Orsal

Sa audio-visual presentation ng pelikulang The Adventures of Pureza: Queen of the Riles, binanggit ng director nito na si Soxie Topacio na parang aso't pusa sa set ang mga bidang artista niya—ang real-life couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Hindi naman tinanggi ng dating housemates ng Pinoy Big Brother na madalas ay nagkakaroon sila ng mga tampuhan.

Sinabi rin ng dalawa sa mga miyembro ng media na madalas malilit na bagay lamang ang sanhi ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

"Kaming dalawa, nagagalit kami sa isa't isa. Pero madali naman kaming magbati," sabi ng 23-year-old na komedyana kagabi sa press conference ng pinagbibidahan niyang pelikula kagabi, Hulyo 4, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City

Nang humingi ng halimbawa ang press, napatawa lahat sa isinagot ni Melai: "Kasi, minsan may dugo ako, parang ano ako sa kanya, minsan nagagalit ako.

"Sa kanya, kapag mayroon siyang problema. Minsan galit siya, pero minsan mas galit ako."

Ang ibig sabihin ni Melai sa "dugo" ay ang kanyang buwanang dalaw.

Sa parte naman ni Jason, sinabi niya na, "Sa totoo lang, simple lang ang pinag-aawayan namin. Lagi kaming nag-aasaran lang."

Kuwento pa ng 23-year-old actor, "Mahilig kami, minsan sa mga gigs, minsan nagkakaasaran lang kami.

"Kapag alam kong mainit ang ulo ng isa, medyo pagod, lalo pang aasarin nito [sabay turo kay Melai], kaya minsan nagagalit ako sa kanya.

"Pero siya naman, minsan ako naman, hindi ko rin naman alam kung ano ang araw ng period niya.

"'Yon talaga ang dahilan. Kaya minsan kapag talagang masama talaga ang period niya, talagang iba 'yong isip niya." 

SOBRANG PAGMAMAHAL. Ito ang binigay na dahilan ng dating PBB grand winner kung bakit umabot na sila ng 16 months ng kanyang kasintahan.

Sabi ni Melai, "Kahit ganyan ang attitude niyan. Kapag hindi ka nagtiis talaga, hindi kami aabot ng 16 months.