John "Sweet" Lapus lets mentalist Nomer Lasala read his mind to reveal some showbiz secrets

Rommel Gonzales
Tuesday, July 05, 2011 @ 12:24AM  |  37144 views

 

"Van within this year... Kasi wala akong van, sobrang dami ng gamit sa kotse ko, minsan nasa labas na ako, habang umaandar, nasa ibabaw na ako, ganun karami ang gamit!" says John "Sweet" Lapus about his birthday wish this year. Sweet will celebrate his birthday on July 7.

 

Photo By: Jocelyn Dimaculangan













Birthday ni John Sweet Lapus sa Huwebes, July 7, kaya siya ang sumalang sa "CSI (Celebrity Secrets Interpreted)" segment ng Showbiz Central last Sunday, July 3.

Sa naturang segment ay siya ang humarap sa mentalist na si Nomer Lasala.

"ECHOSERA." Ang unang tinanong ng co-host ni Sweer na si Pia Guanio sa kanya ay ito: Sa lahat ng umupo sa lie-detector test, sino ang masasabi niyang pina-echosera sa "Don't Lie To Me" segment ng show?

Habang nag-iisip si Sweet kung sino ay pinahawakan ni Nomer ang kanyang braso. Nang bitiwan ni Sweet ang braso ni Nomer ay lumabas sa braso ng huli ang mga letrang L at P, na ikinagulat at ikinatawa ni Sweet.

"Pero not necessarily in that order... Ang galing mo! Saan galing yun?" ang reaksyon pa ni Sweet.

Ayon pa kay Sweet, babae raw ang kanyang tinutukoy.

Paliwanag niya, "Kasi kilala ko 'yan, so may mga tinanong ako na nagulat ako. Akala ko aamin siya, pero iba mga sagot niya.

"Tapos, may isang partikular na dun talaga ako na-echosan kasi alam ko yung totoo, Truth yung lumabas!

"Basta something like yung ano, parang may karelasyon siya, 'Kayo pa ba?' or something, ganyan, ang sagot niya 'No!'

"Tapos nagulat ako, truth yung lumabas!

"Tapos inokray-okray ko pa yung mga taga-Truth Verifier, 'Marunong ba kayong bumasa, yun ba talaga ang resulta?'

"In-explain-explain sa akin, may time pala, especially pag yung mga taong relaxed masyado, e, kahit lie, naaano."  

Sabi pa ni Sweet. "Alam mo, kaya ako nagalingan sa lumabas na LP na 'yan, kasi sinadya kong baligtarin sa utak ko, pero iyon din ang lumabas sa kanya [Nomer].

"Ang galing mo!

"Inisip ko, binaligtad ko sa utak ko, siya din binaligtad niya.

1  2  3  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name