Three of the members of the Philippine Volcanoes: (from left) Kenneth Capinpin Stern, Patrick Ortis Olivier, and Chris Everingham.

Photo: Courtesy of Bench

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social networking sites ang magkakatabing billboards ng matitipunong mga kalalakihan malapit sa Guadalupe bridge sa Makati City.

The eye-catching, traffic-stopping, and provocative billboards feature seven barely-clothed men in their underwear.

Sila ay ilan lamang sa mga miyembro ng Philippine Volcanoes, ang National Rugby Union Team ng Pilipinas.

Kabilang sa mga kasaping squad ang Filipino-Australians na sina Jake Robrigado Letts, Ned Plarizan Stephenson, Oliver Joseph Abalos Saunders, at Chris Alamil Everingham.

Kasama rin sina Kenneth Capinpin Stern, Patrick Ortis Olivier, Francisco Bagis Guerra, Michael de Guzman, Nicholas Ergina Perry, Daaran Seetro, at Arnold Aninion. 

Ayon sa report ng Startalk, hindi pa gaanong popular ang larong rugby sa Pilipinas, kaya naman iilan lang ang nakakaalam ng impressive achievements ng rugby team ng bansa tulad ng:

2009 & 2010 back-to-back champions sa Asian Junior Rugby Division 2; at 2008, 2009 & 2010 gold medal at the Asian 5 Nations Division 4, 3 and 2.

This early, the Philippine Volcanoes are being compared to the Philippine Azkals, ang national football team na sikat na sikat na ngayon.

With media coverage starting to pick up, umaasa ang Philippine Volcanoes na mas maraming Pilipino pa ang magiging aware at magkakainteres sa larong rugby.