"Siyempre, it takes time, e. Kung halimbawang darating at magpapakilala, hanggang doon muna. Hindi to the point na ipapahiram na agad. Kailangan kong i-develop 'yan. Kasi hindi naman natin alam kung papayag din ba yung anak ko, e," says Valerie Concepcion about the idea of shared custody with the father of her daughter.

Photo: Noel Orsal

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valerie last July 3 sa shooting ng pelikulang Kingpin:The Untold Story of Asiong Salonga, sa Pagsanjan, Laguna starring Gov. ER Ejercito. Isa sa leading ladies si Valerie sa nasabing pelikula where she plays the second wife.

Isa rin si Valerie sa stars ng top-rating drama series na 100 Days to Heaven ng ABS-CBN. Pero ang comment ng ilang viewers ng nasabing teleserye, hindi challenging ang papel niya rito.

"Actually, itong week na ito kailangan ninyong mapanood para makita n'yo ang development ng character ko, na sobrang bad ko," bungad niya.

So, hindi na pasulput-sulpot lang ang karakter niya?

"Actually ganoon pa rin. Kasi ang focus naman ng teleserye, si Anna Manalastas, di ba?

"Mas may flavor nga lang ngayon. Mas may spice iyong character ko.

"Kasi sa story, umaangat na yung si Sophia (played by Jodi Sta. Maria) at nauungusan na si Bobby (Dominic Ochoa).

"E, sobrang love ng karakter ko rito si Bobby. So feeling ko, I'll do everything para hindi niya maungusan si Bobby. Ganoon. So, nagiging ganoon ang build-up ng character ko rito," esplika pa ng aktres.

Ayaw i-reveal ni Valerie kung si Jodi ba ang anak na pinaampon ni Anna, na ginagampanan nina Coney Reyes at Xyriel Manabat pag bata si Anna.

"Ay, hindi ko alam!" nakatawang sagot niya.

Aminado rin si Val (nickname ni Valerie) na mas maganda ang role niya sa Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5 kumpara sa 100 Days to Heaven.

"Ay, opo naman. Pero kasi itong 100 Days, nagdi-develop pa, kaya 'wag muna nating i-judge."

LOYAL KAPAMILYA. Pero bakit kaya hindi niya maiwan-iwan ang ABS-CBN kahit hindi naman daw siya mabigyan ng magandang role?

"Ay, tanungin natin ang manager ko!" pabungisngis na sagot ng aktres.

"At saka hindi lang yun, marami ang walang trabaho, at least ako ay nabibigyan.