"Hindi ko yun naging pangarap or priority. For now, happy naman ako sa GMA [network], sa trabaho ko, gusto ko ipag-focus muna, and madami naman na magaganda at matatalino na girls out there who can win the crown, I believe," says Isabelle Daza.

Photo: Noel Orsal

Paano kung gawan ng remake ang pelikulang ito at siya ang paganapin sa role noon ng kanyang ina?

"Well, marunong naman ako mangabayo. One of my sports is equestrian," pagbubunyag niya.

"Siguro kung papa-remake, hindi masyadong sexy.

"Funny dahil pareho yung name [ko] sa character sa Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa— Isabelle yun, Isabelle din pangalan ko. Tingnan natin."

Nakagawa na noong 1996 ng remake ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa, kung saan si Ruffa Gutierrez ang gumanap na bida.

 

Natagalan bago tuluyang pumasok si Isabelle sa showbiz. Ito daw ay dahil gusto niyang makapagtapos muna ng pag-aaral.

Graduate si Isabelle ng Early Childhood Education sa De La Salle University. At bago tuluyang pumasok sa industriya, ay isang taon siyang nagturo ng mga pre-school.

Bukod pa doon ay nag-aral siya ng Spanish sa Madrid, Spain bago tuluyan nakausap ng GMA-7.

Ngayong artista na siya, tatalikuran na ba niya ang pagtuturo?

"Hindi naman," mabilis na sagot ni Isabelle.

"Kasi tingin ko naman madami din akong matutulungan [sa show].

"What I really want naman is to help and teach [people]. In my spare time din I still do it, like even [with] my nephews ganun."

BEAUTY PAGEANTS. Dahil nga sa anak siya ng isang dating beauty queen, hindi mawawala ang tanong kung may balak ba siyang sundan ang yapak ng kanyang mommy.

Kapansin-pansin kasi ang magandang pangangatawan ni Isabelle. Bukod sa slim ito, matangkad din naman siya't Pilipinang-Pilipina ang dating dahil sa morenang balat nito.

"Beauty pageants, madaming nagtatanong niyan!" natatawa niyang sagot.

"Ang hirap ng beauty pageants, e.