Wala pa namang direktang inaamin sina Zanjoe Marudo at Be Alonzo sa tunay na estado ng kanilang realasyon, pero aminado ang dalawa na humuhugot sila ng inspirasyon sa bawat isa.
Nakikita silang magkasama sa ilang lakaran. Balita rin na kahit daw sa paggu-golf ni Zanjoe ay sumasama si Bea.
When PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Zanjoe last Sunday, July 3, sa pictorial niya for the movie Wedding Tayo, Wedding Hindi sa Dolphy Theater, kinumusta namin sa kanya ang espesyal na namamagitan sa kanila ng aktres.
"Oo, nandun pa rin kami sa proseso. And ako naman, gaya ng sinabi ko dati, yung intention ko, at yung masaya ako kung nasa'n man kami ngayon. Maligaya ako.
"Kung anuman ang nagagawa naming mga bagay, sana mas mag-grow pa kung saan man papunta. Hindi ko naman minamadali," sabi ng hunky actor.
Masasabi na ba niyang exclusively dating sila ni Bea?
"Gaya ng sinabi niya dati, mahirap magsalita," sagot ni Zanjoe.
"Basta ang comment ko, I'm there. Siya naman, on the way na yata siya, baka na-traffic lang!" biro pa niya.
Isa raw sa bonding moments nina Zanjoe at Bea ay ang pagalalaro ng golf.
"Nag-e-enjoy naman siya, I think nagustuhan naman niya. Siguro kasi lagi rin niyang naririnig sa akin.
"Yung mga lakad ko kasi, kung hindi trabaho, naglalaro lang talaga ako ng golf kaya siguro naging interesado siyang matuto.
"Sa ngayon kasi, ang dami niyang gustong matutunan. May boxing siya, may rumba, saka golf.
"Yung golf, isa yun sa mga time na nakikita ko siya, nakakasama."
GUNS AND ROSES. Kapareha ni Bea sa teleseryeng Guns and Roses ang action star na si Robin Padilla, kilalang-kilala na magaling mag-alaga ng leading ladies.
Hindi ba siya nakakaramdam ng kaba na baka mapalapit ang loob ni Bea kay Binoe sa mga ginagawa nitong pag-aasikaso?




0

