Angel Locsin relates disappointment over stolen shot of her and Phil Younghusband's "sweet moment"

Rommel R. Llanes
Friday, July 08, 2011 @ 07:43PM  |  196786 views

 

"Sinabi ko sa kanya, na parang, 'Kung sa iyo mangyari 'yan, na you're not working and then hindi mo alam, kinunan ka, siyempre medyo off yun. Kasi kaibigan ang tingin ko sa 'yo. Sinabi mo sa 'kin, kaibigan kita, puprotektahan mo 'ko, di ba?' Yun naman ang sa akin. Nag-apologize naman and na-gets ko rin naman yung point niya and she's really nice," says Angel Locsin about the lady reporter who came out with her and Phil Younghusband's stolen shot during the Philippine Azkal's victory party.

Photo By: Noel B. Orsal













Parehong itinanggi nina Angel Locsin at Phil Younghusband na gimik lang ang palagiang pagde-date nila para sa bago nilang TV commercial.

Kalalabas lang kasi ng bagong Century Tuna TV commercial kung saan magkasama sina Angel at Phil. Ang 23-year-old Filipino-British football star ang bagong endorser ng nabanggit na canned tuna brand na matagal nang iniendorso naman ni Angel.

Dahil dito, iniintriga tuloy na gumigimik lang sina Angel at Phil na aminadong "exclusively dating" para nga raw pag-usapan ang bagong TV commercial nila.

"We're aware na may ganung speculations, but hindi naman kami magkakaroon ng teleserye. Hindi naman 'to gagawa ng pelikula, so, what's the point?" ani Angel matapos na ituro ang katabing si Phil, habang kausap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng entertainment press na inimbitahan para sa post-presscon interview sa kanila kahapon, July 7, sa Hotel Intercontinental Manila, Makati City.

"Ako, sa ka-loveteam ko, never akong gumawa ng ganung gimik. Papaano pa kaya sa totoong buhay?" dagdag pa ng 26-year-old na aktres.

Sinabi rin ni Phil na wala siyang intensiyong mag-artista't ini-enjoy lang niya talaga ang mga panahon na magkasama sila ni Angel. Desisyon niya rin daw na gawin ang commercial dahil trabaho raw ito.

"It's part of work. And it's part of promoting football, as well. And I've done other commercials with other people. But I would say this one is special because it's with Angel," sabi naman ni Phil.

CAREFUL WITH THEIR STATEMENTS. Hanggang ngayon nga ay tahasang sinasabi nina Angel at Phil na hindi pa sila magkasintahan. Sa ngayon daw kasi'y ini-enjoy pa nila ang kasalukuyang estado nila na "exclusively dating."

Hanggang doon lang daw muna ang puwede nilang sabihin tungkol sa estado nila't maingat din daw sila sa mga pahayag tungkol sa kanilang dalawa.

"Mahirap kaming mag-share. Marami kasing haka-haka, di ba? Kagaya nga nung sinasabing... may ibang speculations, na kesyo gimik, ganun...

"Parang... kailangan pa ba namin yun? Hindi naman sa pang-aano, pero hindi. Never kong ginawa yun," sabi pa ni Angel.

UNFAIR TO SAY ANYTHING ABOUT EX. Ayaw namang magsalita pa nang husto ni Angel nang tanungin tungkol sa nai-tweet niya kamakailan tungkol sa isang ex na kinaiinisan niya't binantaan pang ibubulgar kapag hindi siya tinigilan ng kaka-text, pag-stalk at pag-away sa kanya. (CLICK HERE for related article.)

Kahit na walang diretsang pahayag mula kay Angel kung sino ang pinatutungkulan niya, isang tweet naman mula sa ex-boyfriend niyang si Luis Manzano ang lumabas na humihingi ng patawad sa aktres para sa "harsh words" niya rito.

Nabuo tuloy ang sapantaha ng karamihan na si Luis nga ang pinatutungkulan ni Angel.

Tinanong si Angel tungkol dito.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

479 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name