"We have mutual understanding. Nasabi ko naman po dati na special po siya sa akin... We're taking things slowly. We're not in a rush yet. Parehas kaming busy," says Men's Health cover boy Rocco Nacino about Sheena Halili (inset).

Photo: Erwin Santiago / Noel Orsal /Men's Health

First solo cover sa isang magazine ni Rocco Nacino ang July 2011 issue ng Men's Health. Kaya naman very "proud and honored" ang Second Prince ng StarStruck Batch 5.

Kuwento nga ni Rocco, nagulat siya nang malaman niya na magku-cover siya sa Men's Health.

 

"Una po, akala ko ipi-feature lang, pero kinunfirm ko sa handler ko, magiging cover nga po talaga ako.

"Na-excite po ako. Panay ang pasasalamat ko sa Artist Center... tapos sabi ko paghahandaan ko talaga 'yan," sabi ni Rocco sa pocket presscon na inihanda ng GMA Artist Center at Men's Health noong Biyernes ng tanghali, July 8, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang sabi raw kay Rocco ay pagkatapos ng Holy Week siya magpi-pictorial para sa Men's Health, na isa sa magazines ng Summit Media.

Pero aniya, "E, Holy Week, that's the time you get to rest, you recharge, tapos kain po kami nang kain no'n!

"Tapos humingi po ako ng preparation from Men's Health. Sabi ko, at least one month para sure na maganda ho. Pero they only gave me until two weeks."

Naganap ang pictorial niya noon lang daw June.

Ano namang preparations ang ginawa niya for his pictorial? Hindi ba siya kumain?

"Kumakain naman po ako, pero ang ginawa ko, saba and kamote 'tsaka vegetables. Para tuloy-tuloy ang daloy ng pagkain sa katawan, para may fiber. Para hindi ako ma-constipate.

"Tapos ang workout ko, regimen ko, twice a day for two weeks. Mga two hours per session.

"Kapag libre po ako, yun po, nagtu-twice a day. Pero that time po, nagsu-shoot po kami ng indie film namin, after ng taping, diretso po ako ng gym.

"Tapos habang nagte-taping po, in between takes, nagbubuhat po ako," kuwento ni Rocco.

Pareho ba ito ng preparation niya noon sa Cosmo, kung saan naging centerfold siya last year?

"Mas matindi po 'to," nangingiti niyang sabi.