news

Rocco Nacino admits "dating" Sheena Halili; "proud and honored" to grace cover of Men's Health

by Erwin Santiago posted on July 10, 2011  STATS: 665 Views | 10 Comments

 

"We have mutual understanding. Nasabi ko naman po dati na special po siya sa akin... We're taking things slowly. We're not in a rush yet. Parehas kaming busy," says Men's Health cover boy Rocco Nacino about Sheena Halili (inset).

Photo By: Erwin Santiago / Noel Orsal /Men's Health

First solo cover sa isang magazine ni Rocco Nacino ang July 2011 issue ng Men's Health. Kaya naman very "proud and honored" ang Second Prince ng StarStruck Batch 5.

Kuwento nga ni Rocco, nagulat siya nang malaman niya na magku-cover siya sa Men's Health.

 

"Una po, akala ko ipi-feature lang, pero kinunfirm ko sa handler ko, magiging cover nga po talaga ako.

"Na-excite po ako. Panay ang pasasalamat ko sa Artist Center... tapos sabi ko paghahandaan ko talaga 'yan," sabi ni Rocco sa pocket presscon na inihanda ng GMA Artist Center at Men's Health noong Biyernes ng tanghali, July 8, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang sabi raw kay Rocco ay pagkatapos ng Holy Week siya magpi-pictorial para sa Men's Health, na isa sa magazines ng Summit Media.

Pero aniya, "E, Holy Week, that's the time you get to rest, you recharge, tapos kain po kami nang kain no'n!

"Tapos humingi po ako ng preparation from Men's Health. Sabi ko, at least one month para sure na maganda ho. Pero they only gave me until two weeks."

Naganap ang pictorial niya noon lang daw June.

Ano namang preparations ang ginawa niya for his pictorial? Hindi ba siya kumain?

"Kumakain naman po ako, pero ang ginawa ko, saba and kamote 'tsaka vegetables. Para tuloy-tuloy ang daloy ng pagkain sa katawan, para may fiber. Para hindi ako ma-constipate.

"Tapos ang workout ko, regimen ko, twice a day for two weeks. Mga two hours per session.

"Kapag libre po ako, yun po, nagtu-twice a day. Pero that time po, nagsu-shoot po kami ng indie film namin, after ng taping, diretso po ako ng gym.

"Tapos habang nagte-taping po, in between takes, nagbubuhat po ako," kuwento ni Rocco.

Pareho ba ito ng preparation niya noon sa Cosmo, kung saan naging centerfold siya last year?

"Mas matindi po 'to," nangingiti niyang sabi.

"Siyempre Men's Health, iba rin 'to. Kaya parang sabi ko sa sarili ko, I have to deliver talaga. I have to be at my best."

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  intel23

    07/28/2011 | 09:45 AM
    love you idol rocco nacino. so proud of u sa first indie film mo we roccofellas love u so much idol keep up the gudwork and gudluck sa new project mo na time of ur life. ako hindi ako tutol kahit sino pa yan ka date mo idol basta wag mapapabayaan ang career mo. andito lang kme to support u idol muah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tili_2death

    07/12/2011 | 01:21 AM
    Si Sheena, si Chynna yan ang mga na look-over ng GMA Artist..ano ba yan? Tapos kung sinong mga baguhan ang sumasali at agad agad bini-build up! Fair ba yan? Yung mag tiyahin, ay sus...basta andoon ang tiya niya, di siya mawawalan ng trabaho.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kilabotako

    07/12/2011 | 01:15 AM
    well,.walang ganung kalakas na star apil si sheena,wala lang,pandagdag but i like her,kase parang shes decent,maayos na tao,na babae,edukada at simple lang,,but theres someone na mas bagay kay roco na sana maghintay sya at wag magbilang ng gf sa showbiz na baka iyan ang ikasira nya gayung wala pa siyang nararating tlaga,,take it easy lang po,,hindi kayo nauubusan ng guys o girls sa mundo,hehe,ang lovelife ang ikinakasira ng mga stars dahil madaming nabubuntis o nakakabuntis o hiwalayan din,,wag muna,,ang babata nyo pa,,mag focus sa work lalo kana roco mahal ka ng tao,may star apil ka,.alagaan mo ang image mo,maging role model at magka silbi sa bayan,.saka na yan,,bata pa kayo,.mahirap na,.unahin muna ang pagkakilala sa dyos,mag ipon at mag pundar muna,,sa dami ng stars now,madali kayong palitan kaya focus at disiplina lang yan,,godbless.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • critical_critic

    07/11/2011 | 10:14 PM
    hindi mabibigyan ng solo project si sheena, o kahit sino pang mas may talent na gma artist, hanggat nandyan ang magaling na tyahin na humahakot ng projects para sa mahal nyang pamangkin na bukod sa wala ng talent e napaka-kire pa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MadamClaudia

    07/10/2011 | 09:42 PM
    Sheena halili is easy to love, yung nature niya magaan habang napapanood siya. kaya tama lang at low profile ang pagsasamahan nila. wish them well
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • purplebaguiocats

    07/10/2011 | 05:52 PM
    bagay sila, sana mabigyan ng romantic-comedy na show silang dalawa...i super like sheena, and magaling din umarte tong si rocco, gwapo pa kahit di katangkaran.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • glad4uboth

    07/10/2011 | 10:05 AM
    paano na kayo ni tim yap kung exclusively dating kayo ni sheena halili?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    07/10/2011 | 09:35 AM
    baket ba ayaw aminin nang mga ito na mag nobyo na sila pulos exclusively dating. pag exclusively dating kayo ibig sabihin noon ay on na kayo. baket pa kasi inililihim wala naman silang mga sabit para mag deny pa. since hindi naman sila super sikat wala naman magkaka interes na paghiwalayin pa sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ambhut1978

    07/10/2011 | 08:44 AM
    I like Sheena
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lukaret1

    07/10/2011 | 01:32 AM
    I think bagay sila ni Sheena. Bakit ayaw bigyan si Sheena ng lead role. Puwede sila ni Rocco na love team.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About