news

Elmo Magalona not giving in to the pressure of making loveteam with Julie Anne San Jose for real

by Rose Garcia posted on July 10, 2011  STATS: 1013 Views | 11 Comments

 

"We're just happy that we're just doing this. Masaya lang kami sa ginagawa namin. Hindi ko naman iniisip na kailangan kong gawin 'to or mag-court. Siyempre, kung ganoon talaga ang mangyari, hindi naman ipipilit," says Elmo Magalona about his tandem with Julie Anne San Jose.

Photo By: Noel Orsal

Bukod sa musical-variety show na Party Pilipinas, ang isa pang regular show ni Elmo Magalona sa GMA-7 ay ang weekly sitcom na Andres de Saya.

Ayon kay Elmo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Andres de Saya last week, enjoy siya sa show at sa mga kasamahan niya rito.

Dagdag niya, "At saka, nakikita ko ang feedback ng tao, na nakikita nila yung pagigiging comedy niya. Kasi, most of the kasali sa show, hindi naman talaga lahat, comedy ang forte.

"Ngayon, si Kuya Pekto, si Ate Chariz [Solomon], comedy talaga. Pero the rest, drama factor talaga, like si Ate Iza [Calzado], Tita Gloria [Romero], nasa drama talaga. Pero napapakita nila.

"Tapos kami ni Julie Anne [San Jose], music kami, di ba? Pero yun, napapakita na kaya yung comedy na napapakita sa mga viewers."

Karamihan ng mga kasama niya sa show ay first time niyang makatrabaho, except for Julie Anne and Jillian Ward.

Pero ani Elmo, "Madali namang nakapag-adjust. Lahat sila mababait, masarap katrabaho.

"Ito talaga ang gusto kong gawin, mag-entertain. Kahit noong maliit pa ako, gustung-gusto ko nang nakikita ang mga tao na nakangiti."

TEAM-UP WITH JULIE ANNE. Masaya rin daw si Elmo na marami ang nagkakagusto sa team-up nila ni Julie Anne.

"I'm just really glad na maganda pa rin ang tingin ng mga tao at mas gumaganda pa lalo.

"Ibig sabihin, parang nag-i-improve kami at nagli-learn kami sa kung ano ang comment ng tao at kung ano yung dapat naming gawin. 

"At yun nga, may mga helps naman kaming nakukuha para mapaganda pa naming lalo."

Mas kumportable na siya ngayon sa loveteam nila?

"Yes, of course... parang nakasama ko nga siya sa Party P at nakasama ko rin siya dito [Andres de Saya].

"Yun talaga, pinaghihirapan namin kapag may ginagawa kami together, pinag-uusapan namin."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  Noname

    09/28/2011 | 08:59 AM
    may resemblance si Julie Anne kay Mickey Ferriols... sana lang wag masyadong kapalan yung make up nya sa PP kasi nagiging matured ang dating nya... mas bagay ang light make up sa kanya si Elmo naman I like him also very neat and tidy tingnan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  kilabotako

    07/13/2011 | 11:38 PM
    we love elmo,,sa age niya matured na syang mag isip,sensible man,,wish ko lang matapos niya ang college nya gaya ng mga utol niya,mahalaga iyon para kay francis m,.hes smart,may values at may breeding,,sana wag kang pasisira sa showbiz,bata kapa,,ang loveteam hindi na uso ngayon iyan,ayaw ng tao ng ganyan,ulit ulit,.mas ok ang iba iba ang pares kada shows o movies para fresh at hindi pagsawaan diba,,at mas may growth bilang actor,,sana pala,mahasa pa ang boses ni elmo ,medyo ,hindi pa ganun ka ok,,at sana stay real,humble,simple,hindi pashowbiz at godly o role model para mas mahalin ka ng tao,,magka silbi sa bayan gaya ng ama mo,,tamang gawain habang bata,,ang lovelife,saka na yan,,so young nyo pa,,ang daming nasisira jan dahil sa lovelife kaya focus lang sa work at college muna,,godbless
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • naufej

    07/11/2011 | 12:39 PM
    so sino pala ang type nya sa showbiz? any idea? or is he dating anybody?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • certified_orig1

    07/11/2011 | 10:01 AM
    What's good with GMA is they allow their talents na magsalita. I think this is more ok para alam ng fans ang limitation ng mga artista instead na sila lagi ang masunod. On the contrary, sa ABS naman talagang sasakyan ang mga fans at ipilit na magkaroon ng relationship, then pag manligaw sa iba ipa stop like nangyari kay Gerald na nanligaw kay Pauleen, may gag order kasi magagalit ang kimerald fans..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tiu_tiuseco

    07/11/2011 | 09:57 AM
    carry lang kahit hindi kayo sa totoong buhay basta pakiligin nyo lang ako linggo linggo sa PP masaya na ko. mabuhay ang JULIELMO!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Bebangs

    07/10/2011 | 11:45 PM
    Advice ko lang kay Julianne, be more daring sa looks mo. Pa dye mo ng konti hair mo. It's so dark na okay naman sana kaya lang, it's so conservative!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • citiboy

    07/10/2011 | 05:04 PM
    sana magkaroon na ng telebabad show itong dalawa! go julielmo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • CodeMars

    07/10/2011 | 03:52 PM
    I don't like Julie Anne, parang tweety bird yung mouth area nya.. parang maypagka-airhead minsan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lizzy1230

    07/10/2011 | 03:41 PM
    c lauren young dini date ne2 eh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • SOLIDKAPUSOTAYO

    07/10/2011 | 03:26 PM
    JULIELMO NUMBER ONE LOVETEAM EVER!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • CarolynRecto

    07/10/2011 | 02:25 PM
    cute cute ni elmo - cute din nila ni julian sa Party P. keep it up
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About