"We're just happy that we're just doing this. Masaya lang kami sa ginagawa namin. Hindi ko naman iniisip na kailangan kong gawin 'to or mag-court. Siyempre, kung ganoon talaga ang mangyari, hindi naman ipipilit," says Elmo Magalona about his tandem with Julie Anne San Jose.

Photo: Noel Orsal

Bukod sa musical-variety show na Party Pilipinas, ang isa pang regular show ni Elmo Magalona sa GMA-7 ay ang weekly sitcom na Andres de Saya.

Ayon kay Elmo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Andres de Saya last week, enjoy siya sa show at sa mga kasamahan niya rito.

Dagdag niya, "At saka, nakikita ko ang feedback ng tao, na nakikita nila yung pagigiging comedy niya. Kasi, most of the kasali sa show, hindi naman talaga lahat, comedy ang forte.

"Ngayon, si Kuya Pekto, si Ate Chariz [Solomon], comedy talaga. Pero the rest, drama factor talaga, like si Ate Iza [Calzado], Tita Gloria [Romero], nasa drama talaga. Pero napapakita nila.

"Tapos kami ni Julie Anne [San Jose], music kami, di ba? Pero yun, napapakita na kaya yung comedy na napapakita sa mga viewers."

Karamihan ng mga kasama niya sa show ay first time niyang makatrabaho, except for Julie Anne and Jillian Ward.

Pero ani Elmo, "Madali namang nakapag-adjust. Lahat sila mababait, masarap katrabaho.

"Ito talaga ang gusto kong gawin, mag-entertain. Kahit noong maliit pa ako, gustung-gusto ko nang nakikita ang mga tao na nakangiti."

TEAM-UP WITH JULIE ANNE. Masaya rin daw si Elmo na marami ang nagkakagusto sa team-up nila ni Julie Anne.

"I'm just really glad na maganda pa rin ang tingin ng mga tao at mas gumaganda pa lalo.

"Ibig sabihin, parang nag-i-improve kami at nagli-learn kami sa kung ano ang comment ng tao at kung ano yung dapat naming gawin. 

"At yun nga, may mga helps naman kaming nakukuha para mapaganda pa naming lalo."

Mas kumportable na siya ngayon sa loveteam nila?

"Yes, of course... parang nakasama ko nga siya sa Party P at nakasama ko rin siya dito [Andres de Saya].