"Cool lang siya talaga sa mga ginagawa kong mga eksena sa Sisid. Noon pa naman, like what I've been saying, he's very supportive. Marami nga ang nagugulat na gano'n ang ugali niya. Kung ibang boyfriend daw 'yan, baka nagalit na sa akin. Pero si Andrew, hindi siya gano'n. Okey lang naman sa akin dahil wala namang nangyayari na puwede niyang ikagalit," says Jackie Rice about her boyfriend.

Photo: Courtesy of GMA-7

Patuloy ang pagtaas ng rating ng afternoon series ng GMA-7 na Sisid kaya naman ang bida nitong si Jackie Rice ay natutuwa at lalong sinisipag sa kanyang trabaho.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jackie sa set ng Sisid sa Marcos Compound sa Tandang Sora, Quezon City noong July 7, hindi mawala sa kanyang mukha ang ngiti dahil sa magandang ratings at feedback sa performance nilang lahat sa Sisid.

Inamin ni Jackie na hindi siya tumitigil na pag-aralan nang husto ang character niya bilang si Eden. Ayaw raw niya kasing mapahiya sa kanilang direktor, ang award-winning actor na si Ricky Davao.

"Naku, ayokong mapahiya kay Direk Ricky talaga!" sambit niya.

"Kaya kapag nabigay na sa akin ang script para sa episode na isu-shoot namin, pag-aaralan ko na ang mga kilos ng character ko.

"From day one naman ng taping namin for Sisid, yun na ang ginagawa ko.

"Kasi naman, napakahusay na aktor ng director namin. Parang nakakahiya kung hindi mo makuha ang gusto niya.

"Minsan si Direk Ricky pa ang nagpapakita sa amin ng gusto niyang gawin namin sa eksena. From there, may idea na kami sa magiging eksena.

"So far, okey naman lahat," patuloy ni Jackie.

"Mabait si Direk Ricky. Para sa kanya, kapag trabaho, trabaho tayong lahat. Para mabilis kaming matapos.

"Gusto ko kung paano kami i-guide ni Direk Ricky. Kasi nga, mas marami siyang experience sa amin sa industriyang ito kaya walang reason para hindi kami sumunod sa kanya," diin ni Jackie.

 

TEAM UP WITH DOMINIC. Marami ang nag-aabang at kinikilig sa mga lambingan nina Jackie at Dominic sa Sisid. Para raw kasing makatotohanan na ang mga yakapan at halikan nila sa mga eksena.

Pero ayon kay Jackie, magaling lang silang umarte ni Dominic na parang mag-asawa kaya nagagawa nilang makatotohanan ang kanilang mga eksena.

"Nag-uusap naman kami ni Dom, e. Gusto namin na mapabilib namin si Direk Ricky.

"Kaya kung ano ang gusto niyang makita sa amin, ipapakita namin at minsan sinosobrahan namin para mas matuwa siya.