After almost seven years, GMA-7 magazine-talk show Mel & Joey, hosted by Mel Tiangco and Joey de Leon, will go off the air.

Photo: Courtesy of GMA-7

Binalot ng lungkot ang taping ng programang Mel &  Joey ng GMA-7 noong July 6, Wednesday, nang malaman ng hosts na sina Mel Tiangco at Joey de Leon, pati na rin ng kanilang staff, na huling taping day na pala nila iyon.

Nabigla ang lahat at hindi napigilan ng staff ang maiyak matapos malaman ang malungkot na balita.

Noong araw lang daw na iyon nalaman na huling taping day na pala nila.

Maging si Mel ay napaiyak din dahil sa biglaang pasabi na huling taping na nila.

Kung sakali, this is the first time na mawawala sa Sunday evening slot si Mel.

If we recall, nang lumipat si Mel sa GMA-7 mula sa ABS-CBN, silang dalawa ng dati niyang partner na si Jay Sonza ang inilagay ng Kapuso network sa early evening slot tuwing Linggo.

Ito rin kasi ang timeslot ng dati nilang programa sa Dos with her partner Jay.

Nang mawala si Jay sa show noong 2004, naging co-host naman ni Mel si Joey. At ginawang Mel & Joey ang title.

Tumagal ang programa nila ng halos pitong taon.

Mataas naman ang rating ng programa at marami itong commercials kaya palaisipan sa ilan kung bakit tinanggal ang Mel & Joey sa ere.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Louie Ignacio, ang director ng show, pero hindi ito sumasagot sa aming mga text messages.

Sinubukan din naming kunan ng pahayag ang Corporate Communications department ng GMA-7, pero hindi rin nila sinasagot ang aming text.

Dalawang Sundays pang mapapanood ang Mel & Joey sa GMA-7 bago ito tuluyang mawala sa ere. Hindi pa alam kung anong programa ang ipapalit dito.