Nilinaw ng aktor na si Jericho Rosales ang napabalitang gusto niya nang kumawala sa ABS-CBN at lumipat sa ibang network.
Sa presscon ng hinu-host niyang bagong programa sa Kapamilya network, ang I Dare You, noong July 7, ay inamin niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na sumagi sa isip niyang maging "freelancer" muna pagkatapos umere ng primetime series niyang Green Rose.
Ani Echo, "Honestly, pangarap kong makatrabaho ang mga artista sa buong mundo, makalibot kung saan man may artista dito sa Pilipinas.
"Wala pong question yung pag-aalaga sa akin ng ABS-CBN. I love ABS-CBN.
"I came from Channel 7, hindi ko malilimutan yun," sabi pa ng aktor na produkto ng "Mr. Pogi" search ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!.
"And I wish na makatrabaho ko rin ang mga artista sa Channel 4, Channel 9, Channel 13... kung saan man may artista sa iba't ibang network.
"I wish, kung ako lang yung isa sa artista na kung puwede ko lang basagin na natin yung kumpetisyon na yun sa iba't ibang network, gawin na natin."
Pero diin niya, "Although, I'm happy with ABS-CBN, it will break my heart kung mawala ako sa ABS-CBN."
Ipinaliwanag naman ni Jericho kung bakit naisip niyang magbakasakali sa ibang networks.
"Honestly, sumagi sa isip ko dati na umalis na lang muna sa ABS-CBN, not because I hate ABS-CBN.
"I love ABS-CBN! I owe ABS-CBN my career... But I just want to discover myself. "
Patuloy ng aktor, "What I love about my relationship sa mga bosses ko dito sa ABS-CBN, kay Tita Charo [Santos-Concio] and with Tita Cory [Vidanes], that we are open.
"I can say whatever I want and they will explain to me everything.
"So, sinabi ko po sa kanila na gusto kong maging freelance.
"Baka sabihin n'yo anong karapatan ko bilang artista para humiling ng ganun.




0

