Jason Abalos renewed his contract with the undergarments brand which he has been endorsing for three years now. (Inset, L-R) Kate Pepito Dolino, Jason Abalos, Ria Garcia, and Richard de Castro.

Photo: Noel Orsal

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press kay Jason Abalos sa contract signing niya para sa Cotton Club Underwear kahapon, July 11, sinabi ng Kapamilya actor na hindi na siya conscious na mag-pose nang topless, o medyo sexy.

Kasama kasi sa kontrata niya na maaaring mag-pose siya ng topless para sa mga itatayong billboard ng nasabing brand ng underwear.

"Hindi naman!" natatawang sabi ni Jason sa 14th floor ng ELJ Bldg.

"Sanay naman kasi ako sa Nueva Ecija na nakahubad pag naglalaro, di ba... nagba-basketball?

"Okay lang yung ganun, so sanay na. Kumbaga, wala namang masama."

GOING SEXY. Since endorser siya ng undergarments, may posibilidad na makilala si Jason bilang isang sexy actor.

Pero para daw sa kanya, hindi naman daw mahalaga kung sexy man o hindi ang tingin sa kanya ng mga tao.

"Wow, talaga?" pabirong simula niya.

"Ewan ko, ha, kumbaga sa akin, hindi siya issue, e.

"Hindi siya big deal para sa akin kung sexy ka man o hindi.

"Kumbaga, confident ako sa kung anong meron akong katawan, e."

May mga ilang palabas na rin naman kasi kung saan gumanap ng sexy role si Jason. Kabilang na rito ang Eva Fonda (2008) at ang Alyna (2010).

Gaano nga ba ka-sexy, o daring ang kaya niyang gawin?

"Depende 'yan, e, depende sa hinihingi ng istorya," sagot ng Reputasyon leading man.

"Kasi ako naman, pagdating sa trabaho, wala naman akong hinihindian din, nakadepende din sa istoryang ibibigay sa amin.