Cristine Reyes denies boyfriend Rayver Cruz is in Reputasyon because of her

Allan Sancon
Tuesday, July 12, 2011 @ 07:51PM  |  15570 views

 

"Hindi, a! Actually, di naman nila ako tinanong. Nalaman ko na lang na si Rayver na. Natuwa naman ako na ganun ang desisyon nila," says Cristine regarding boyfriend Rayver Cruz taking over Derek Ramsay's role.

 

Photo By: Noel Orsal













Kitang-kita ang sweetness nina Rayver Cruz at Cristine Reyes sa presscon ng kanilang bagong afternoon soap na Reputasyon, na ginanap sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound kaninang tanghali, July 12.

 "Pakiramdam ko, hindi ako nagtatrabaho kasi masaya kami sa set," bungad ni Rayver.

"Masayang-masaya ako na kasama ko si Cristine dito sa teleseryeng ito matapos naming magkatrabaho sa Kristine.

"Bihira lang naman kasi yung pagkakataon na makasama mo sa isang project yung mahal mo sa buhay.

"At ang project na ito ay isa sa maipagmamalaki naming teleserye. Exciting ang magiging latag ng mga kuwento."

Dagdag pa ni Rayver, "Very comfortable kaming magkatrabaho ni Cristine kasi hindi na kami naiilang sa isa't isa. Pero may mga eksena pa rin na may ilang pa rin kahit kaunti.

"Magka-partner kami dito. Kasama namin si Jason Abalos. Bale tatlo kami. Parang love triangle.

"Pero masaya ako for this project. Kasi nga, pag pupunta ako ng taping, excited ako kasi nandun si Cristine."

Balitang second choice si Rayver bilang isa sa leading men ni Cristine sa teleseryeng iro. Original for the said role si Derek Ramsey.

Pero ani Rayver, "Wala namang kaso sa akin yun. Happy pa rin ako kahit third choice, fourth choice, fifth choice pa ako.

"Basta nabigyan ako ng ganitong klaseng proyekto, tatanggapin ko nang buong puso.

Nagkaroon din kami ng chance na makausap si Cristine after Rayver.

Aniya sa kanyang role, "Ibang Cristine Reyes po ang makikita n'yo rito.

"Itataya ko po ang reputasyon ko sa teleseryeng ito bilang si Agnes. Isang babae na may mga simpleng pangarap.

"Pero sisirain ang aking buhay at ang aking reputasyon dahil sa isang malagim na insidente.

1  2  Next »

Related Articles

27 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name