Joross Gamboa takes a break from doing gay roles; prefers to tackle comedy and drama à la Robert Downey Jr.

Nonie V. Nicasio
Wednesday, July 13, 2011 @ 03:08PM  |  93 views

 

"Ang dami ko na rin kasing ginampanang gay roles na umabot na ako sa puntong ayaw ko munang tumanggap ng ganoong role," says Joross Gambia who feels he's being typecast. 

Photo By: Mark Pimentel













Mas pinagtutuunan ngayon ng pansin ni Joross Gamboa ang kanyang kinabukasan, kaysa sa pangkasalukuyan. Kaya kahit busy siya sa showbiz career niya ay pinagtitiyagaan ng aktor na makatapos ng kolehiyo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joross last Sunday, July 10, bago siya isalang sa Paparazzi ng TV5.

Ayon sa young actor, marami siyang plano sa buhay. Kabilang na rito ang mag-venture sa likod ng camera kapag nakapagtapos na ng kursong Mass Communication sa Southville International School sa Parañaque.

"So, bale ito ang fallback ko, kasi ngayon fourth year na ako.

"Nagsisimula na rin akong mag-semi writer na. And gusto ko rin na mag-directing. Tapos, kung gusto ko ng pera-pera, magpo-produce rin ako.

"Pero ready naman akong magsimula siyempre sa ibaba. Willing ako kahit yung magsimula ako sa set. Yung mag-ano, mag-reading.

"Kasama naman 'yan, e," saad ni Joross.     

HIYAS. Ngayong patapos na ang Babaeng Hampaslupa sa TV, ginagawa naman niya ngayon ang upcoming soap ng ABS-CBN na Hiyas. Tampok dito sina Megan Young at Zanjoe Marudo.

Kumusta ang taping nila so far?

"Mabuti at eksakto lang. Kumbaga, blessing na lang na nag-stop sila [Hiyas] ng Manila taping.

"So, inuna muna nila yung taping sa probinsiya. And habang nagte-taping sila sa probinsiya, nakapag-taping naman ako sa Babaeng Hampaslupa.

"Kapatid ni Megan ang role ko rito. So, kabaligtaran naman sa papel ko sa Babaeng Hampaslupa na bad boy.

"So, kung ang role ko rito [Babaeng Hamppaslupa] ay milyonaryong drug lord na masamang tao, doon naman sa Hiyas ay mahirap lang ako na komedyante-komedyante ang dating," wika niya.

ALL NETWORKS. Nagsimula si Joross sa ABS-CBN kung saan naging finalist siya sa reality artista search  na Star Circle Quest. Pagkatapos nito ay lumipat siya sa GMA-7 at napunta sa TV5. Pero ngayon ay balik ulit siya sa ABS-CBN.

Alin sa tatlong TV networks ang pinakagusto mo?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name