Edgar Allan de Guzman denies two-timing girlfriend Johlan Veluz, but admits getting attached to Milagring

Melba R. Llanera
Wednesday, July 13, 2011 @ 08:32PM  |  17812 views

 

"Naging issue talaga siya sa amin ni Johlan. Nagkaroon talaga kami ng di pagkakunwaan dahil kay Milagring. Pero naayos na yun," says Edgar Allan Guzman about relationship problems.

Photo By: Noel Orsal













Isa si Edgar Allan de Guzman sa young actors na hindi natatakot na makuwestiyon ang gender dahil sa pagganap ng gay roles. Ilang beses na rin siyang nag-portray ng bading na effective niyang nagagampanan.

Ngayon nga ay kasama siya sa sisimulang teleserye ng TV5 na The Sisters, where he will play Nadine Samonte's best friend.

Sa presscon ng The Sisters last July 12 sa C3 Events Place in Greenhills, nagbigay ng pahayag si Edgar Allan kung bakit hindi issue sa kanya ang gay roles.

"Ang akin, pag totoong lalake ka, di ka matatakot, o magwu-worry sa pagtanggap ng mga gay roles.  

"Ako, totoong lalake ako. Wala akong kinatatakutan na baka malaman ng tao na bading ako, or I'm a gay.

"Kaya hindi issue sa akin na tumanggap ng ganitong roles.  

"Pag totoong lalake ka, wala kang takot na i-portray ang role na 'yun.

"Babae lang ang tinitibok ng lahat ng parte ng katawan ko," sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

GAY BROTHER. Ayon kay Edgar Allan, ang kapatid niyang gay ang peg niya sa ganitong klase ng role. Pahayag din ng aktor, mataas ang respeto niya sa mga homosexuals.

"Dream role ko siya at may kapatid ako na straight gay din. So lahat ng gawin niya, pag may role ako na ganyan, siya ang peg ko.

"I have high respect for them [gays]. Ganun ang kapatid ko at naiintindihan ko siya.  

"Bakit ako matatakot, or magkakaroon ng negative feelings sa kanila, e, mayroon akong ganung kapatid at alam ko ang pakiramdam nila?"

Aminado si Edgar Allan na nakatangap na siya ng indecent proposals before from gays, pero ang lahat ng ito ay tinanggihan niya at binalewala.

"Ngayon, wala na. Pero dati, before sa Eat Bulaga!, mayroon. Dedma lang ako, hinahayaan ko na lang sila. Sila naman yun.  

"Kanila yun. Pera nila yun. Ang importante, di ka pumapatol."

1  2  3  Next »


16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name