Wendell Ramos glad to see former fellow Kapuso Nadine Samonte move to TV5; favors artists' freedom to work in different networks

Rose Garcia
Thursday, July 14, 2011 @ 04:10PM  |  8368 views

 

"Pero siyempre, para sa akin, ikinalungkot ko yun na hindi na ako nakapag-Bubble Gang," says Wendell Ramos after signing up with TV5.

Photo By: Noel Orsal













Pagkatapos ng primetime series na Babaeng Hampaslupa, hindi  halos nabakante ang aktor na si Wendell Ramos.

Kasama siya bilang isa sa leading men ni Nadine Samonte sa The Sisters na magsisimula nang mapanood sa Lunes ng gabi, July 18.              

Simula nang lumipat si Wendell sa Kapatid network o TV5, halos dire-diretso na ang mga show niya. Isang bagay raw ito na nagiging dahilan para maging focused siya sa trabaho niya ngayon.                 

"Yun ang sinasabi natin na natutuwa ang mga tao. Nagkakaroon ng idea ang network kapag siguro nakikita nilang nagiging maayos ang trabaho mo.

"Hindi sila yung tulad ng binanggit ko kanina. Hindi takot ang TV5.

"In fairness naman sa GMA-7, okay sila, hindi nila ako napabayaan.

"Pero paulit-ulit ko rin sinasabi na marami na'ng mga bata ngayon, pero okay pa rin tayo rito," sabi ni Wendell sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Sisters last July 12.

Naka-stipulate ba sa pinirmahan niyang kontrata sa TV5 na hindi siya puwedeng mabakante?

"Hindi naman. Siguro ito lang yung... alam mo na may trabaho ka na agad.

"Iba yung binibigyan ka, hindi ka na hinahanapan. Hinahanap din ang kakayahan ng isang artista.

"Ine-expect ko rin na may trabaho. Kasi siyempre, yun din ang naging alaga sa atin ng TV5. Naging part na rin ako.

"But still, hindi ibig sabihin no'n na hindi mo na aayusin [ang trabaho].

"Kaya tayo nailagay sa another show na pinaghandaan din nang husto at hindi siya balewalang show.

"Para mailagay ka do'n, siguro nakita nilang pinag-igihan naman natin ang trabaho."

WELCOME NADINE. Hindi first time para kay Wendell na makasama si Nadine sa isang serye. Noong pareho pa silang Kapuso, may mga nagawa na rin silang series together.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

10 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name