Nina on how her former PA would collect money from her fans: "Di ko alam na itong PA ko, siya pala ang kumukuha ng bayad sa entrance. Sasabihin niya, 'Di pala kayo nakasulat sa guests list, so magbabayad kayo.'"

Photo: Noel Orsal

Pero sa kabila ng pansamanatalang pagkawala ng Soul Siren sa nasabing grupo ay may mga isyung lumabas. Kesyo may attitude problem daw siya. Nagpapalipat daw ng dressing room ang Soul Siren dahil ayaw niyang may kasama.  

Ayon kay Nina, "Anong ibig sabihin na nagpapalipat ng dressing room? Never naman akong nagkaroon ng solong dressing room.  

"Sa ABS, di sila magbibigay ng solong dressing room sa iyo. Laging mayroon kang kasama. One or two.  

"Kung magsosolo ka man, dapat Kris Aquino ka na talaga kasi most prized possession ka ng ABS [CBN].

"Di ko talaga alam kung bakit may issue na ganyan. Ano yun, dapat before the show, sasabihin ko, 'Dapat mag-isa lang ako sa dresing room, ha.'

"Paghihiwa-hiwalayin kami pag may foreign artist na guest kasi gagamitin niya nang solo yung malaking dresing room.  

"Ang madalas na kasama ko sa dressing room ay sina Richard Poon, Duncan [Ramos], or di kaya sina Iya [Villania], Pokwang, Maja [Salvador]."

May communication pa ba sila ng mga kasama niya sa Sessionistas?

"May communication pa kami ni Richard. Siya ang pinaka-close ko sa grupo. Hindi naman kasi kami parang magbabarkada.

"Ang Sessionistas are more on professional level kami. Hindi naman kami close.  

"Kahit hindi naman close, nasa gitna lang, pero wala kaming away.

"Hindi naman kami magkakatrabaho nang matagal kung may blood bad, di ba?

"We didn't actually go out. Hindi kami lumalabas. Minsan kasi sa sched namin, hindi nagkakatugma ang mga schedules namin.  

"Madalas after ng prod namin sa ASAP, kami ni Richard nagkakaayaan na mag-lunch kami, kasi yung iba may gagawin. 

"Wala ako sa ASAP kasi nga tinatapos ko yung album ko," patuloy niya.