Ang bagong pelikula ng actress-director na si Laurice Guillen na Maskara, ang opening film sa 7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa CCP Main Theater mamayang gabi, July 15.
Ano ba ang kuwento nito?
"Simple lang ang kuwento. Namatay ang isang artista. Yung biyuda niya, natagpuan ang mga sulat na nanggaling sa isang anak ng kanyang asawa na hindi niya nalalaman. So, pinuntahan niya yun.
"Pagkamatay lang nung asawa, doon lang nalaman na mero'n siyang anak, so pinuntahan niya yun. Yun ang istorya. Yun lang," lahad niya.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Laurice sa presscon ng kinabibilangan niyang soap sa ABS-CBN, ang Reputasyon, noong July 12.
Ang anak ni Direk Laurice sa yumaong mister nitong si Johnny Delgado na si Ina Feleo ang siyang nagsulat ng screenplay ng Maskara.
First time ba ito ni Ina to write a script?
"First time na full length," sagot ni Direk Laurice.
"Kasi, nag-aaral siya sa [film] school ni Marilou [Diaz-Abaya], marami silang projects.
"Nakagawa na rin siya ng 40-minute feature, na siya ang sumulat at nagdirek. Yung Labing-Labing. Kami ni Johnny ang artista."
Nasa cast ng Maskara sina Shamaine Buencamino, Tirso Cruz, III, Ina Feleo, at introducing si Ava Santos.
Gaano maipagmamalaki ni Direk Laurice ang pelikula niyang ito?
"It's my first indie movie. So, parang ako ang nagdirek, nag-produce, and the idea lahat, gano'n.
"So, parang it's the same challenge, I guess, o yung excitement or passion na na-experience ng mga Cinemalaya directors, yung mga kabataan.
"So, parang gano'n [ang feeling ko]. Happy naman ako na at this stage in my life, in my career, e, may natututunan akong bago."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
3 wanna_change
2 agusanonko
1 alexangel