"Kasi, I take charge of the [Cinemalaya] competition. But the opening film is not a competition film. So, I don't see the issue. It's not even in exhibition," Laurice Guillen argues about her film being the opening movie in the indie filmfest.

Photo: Noel Orsal

So, maaaring may nakita si Mr, Jardin sa kanyang pelikula?

"Well, he decides. He's the one that should be asked," sagot ni Laurice.

Sa palagay ba niya ay "unfair" na nasa diyaryo na at nasulat na maaaring mapagbintangan ngang wala siyang delicadeza?

"In the papers?" nagulat na reaksiyon ni Direk, na halatang hindi narinig ang nasabi naming kanina na nasulat nga sa diyaryo that day (July 12).    

Binanggit namin ang pangalan ng sumulat ng tabloid item na yun, si Danny Vibas, at hiningan namin ng reaksiyon ang dekalibreng actress-director.

Opening line ni Vibas sa kanyang Hataw tabloid column: "Hindi kaya mapagbintangan si Laurice Guillen na walang delicadeza dahil siya ang festival director ng Cinemalaya, pero ang opening film ng indie film festival ng Cultural Center of the Philippines this year ay ang pelikula niyang Maskara?"

Nagagalit ba si Direk Laurice sa isyung ito?

"Hindi ako nagagalit, pero nagtataka ako kung bakit niya sinasabing wala akong delicadeza?  

"Bakit, ano ba ang nilabag ko? Ano ba ang ginawa ko na unfair?  

"Ang sa akin lang naman, kung ano ang sa akin na sakop ng responsibilidad ko sa Cinemalaya ay ang pagpili ng mga finalists.

"Ang pag-supervise sa kanila from the time that they are semi-finalists sila, hanggang sa matapos ang mga pelikula nila.

"Yun ang ano [scope] ng trabaho ko. Hindi naman ako sumasali sa competition. Yun ang walang delicadeza.

"Kung ako ang head ng competition, at ako mismo ang magku-compete! Yun, Danny Vibas, ang ibig sabihin ng walang delicadeza!

"Ngayon, ipaliwanag mo sa akin kung ano ang nilabag ko para karapat-dapat mo sabihin sa akin na ako ay walang delicadeza.  

"Ipaliwanag mo 'yan!" matapang na pahayag ni Direk na halatang naapektuhan sa balita.