"Burlesque" ang theme ng FHM 100 Sexiest Women sa World Victory Party na matagumpay na idinaos sa World Trade Center, Pasay City, kagabi, July 14.
Mahigit-kumulang 6,500 katao ang pumuno ng pinagsanib na dalawang trading hall ng World Trade Center. Lahat ay sabik na mapanood ang presentation ng performers ng gabing iyon.
Unang rumampa ang iba't ibang modelo ng mga sponsor ng show na mainit na tinanggap ng mga manonood at iba't ibang representatives ng media organizations na inimbita para i-cover ng event.
Pagkatapos niyon ay sinimulan na ng July 2011 FHM cover girl na si Eula Valdes ang celebrity performances sa kanyang Cabaret-inspired dance number kasama ang ilang nagseseksihan ding back-up dancers.
Sumunod ang makapigil-hiningang paglabas sa stage at pagsayaw ni Michelle Madrigal na ibinaba sa stage habang nakasakay sa isang harness. Chair dance naman ang ginawa ng FHM sexiest No. 25 at ng mga kasama niyang back-up dancers.
Nagpalakpakan ang mga tao nang magkasamang rumampa sa stage at nagsayaw sa kanilang pole dancing number, kasama ang ilan pang dancers, ang FHM sexiest No. 44 na si Daiana Menezes at ang No. 8 namang si Iwa Moto.
Cage and tango naman ang tipo ng burlesque dance number nina Jef Gaitan (No. 48), Wendy Valdez (No. 53), Stef Prescott (No. 62), at Paw Diaz (No. 73) at back-up dancers.
Habang nag-S&M (sado-masochist) theme naman sa kanyang production number ang FHM sexiest No. 19 na si Regine Angeles.
Huli nang nag-perform ang FHM Philippines' Sexiest Woman in the World na si Sam Pinto na rumampa suot ang isang sexy red corset-type dress.
Winakasan ang victory party sa pagrampa ng ilang kasama sa 100 sexiest list ng FHM at ni Sam.
FHM'S SEXIEST. Nang makausap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Sam sa backstage pagkatapos ng show, umamin itong nakadama siya ng nerbiyos nang rumampa na siya sa stage para sa finale.
"I hope I might not fall kasi nakakatakot yung stairs, and I hope I don't forget my dances. I hope everyone enjoys the show," ang ilan lang daw sa mga iniisip niya nung mga oras ng pagrampa niya.
Tinanong si Sam kung mag-a-aspire ba siyang maging number one uli next year.
"Why not? If they [the readers] want to. It's in their hands.
"If not, I'm happy also. At least give chance to others," sagot ni Sam.





0

