[x]

 

"Well, I guess that's their opinion. I will never comment on that. It's up to them," says Sam Pinto to those who say she doesn't deserve to win the top slot in FHM 100 Sexiest.

Photo: Sany Chua

Dumagsa ang mga kalalakihan, maging ang mga kababaihan sa ginanap na FHM 100 Sexiest Women in the World 2011 victory party sa World Trade Center, Pasay City kagabi, July 14.

Rumampa sa napakataas at mahabang runway ang mga nagseseksihang models at mga artistang napabilang sa list. "Burlesque" ang theme ng kanilang party ngayong taon.

Kitang-kita ang kasiyahan at pagiging blooming ng ex-PBB housemate na si Sam Pinto na siyang tinanghal na No. 1 habang rumarampa sa stage kagabi.

Matapos ang nasabing  blowout party ay nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)ng chance na maka-one-on-one interview si Sam.

"Sobrang happy ako. Yung you can see how many people voted for you. Grabe yung support nila. Thank you! Thank you! Thank you very much!" sambit niya.

Ano ang feeling niya na siya yung pinaka-star?

"Oh, my God! Kanina, before mag-start, super nervous ako. Pressured at the same time. Pero I'm enjoying the show. Enjoy walking the runway."

Anong perks ang nagawa at magagawa kaya ng FHM sa career niya?

"I guess people will know you more. And right now, everywhere I go, they always call my name.

"One more thing, I hope there will be more projects and endorsements to come," sagot niya.

Some say na masyado raw siyang pumayat? Baka raw mauwi sa anorexia, comment ng ilan.

"Hindi naman! Feeling ko naman, sakto lang ako sa TV. Sakto lang yung katawan ko sa TV.

"Sikreto ko, proper diet, fruits, vegetable and exercise."

Pasaring ng ibang kasama niya sa list ng FHM this year, hindi raw siya deserving mag-No. 1. Ano ang masasabi niya rito?

"Well, I guess that's their opinion. I will never comment on that. It's up to them," maikli niyang tugon.