Aiko Melendez wants media to forget past issue with Cristine Reyes's sister, Ara Mina

Nerisa Almo
Friday, July 15, 2011 @ 07:26PM  |  162 views

 

"Tinatapos na namin ito ngayon at sa mga susunod na araw. Dapat wala nang isyung ganito," Aiko Melendez pleads to the media when asked if her  issue with Ara Mina affects her working relationship with Ara's  younger sister Cristine Reyes. Ara was formerly linked to Aiko's ex-husband Jomari Yllana.

 

Photo By: Noel Orsal













Sa pagasasama nina Cristine Reyes at Aiko Melendez, may ilang naintriga kung paano ang samahan ng dalawa sa set.

Matatandaang minsan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Aiko at ang ate ni Cristine na si Ara Mina.

Ito ay dahil sa pagkakaroon ng relasyon ni Ara sa dating asawa ni Aiko na si Jomari Yllana.

Subalit dahil matagal nang nangyari ito, nakiusap si Aiko na sana ay hindi na ito maungkat, lalo pa't katrabaho niya ngayon ang nakababatang kapatid ni Ara sa Reputasyon.

"Ayaw ko nang pag-usapan 'yon," hiling ng aktres sa ginanap na press conference para sa bagong afternoon teleserye ng ABS-CBN.

Sabi pa ni Aiko, na gumaganap bilang kontrabida sa karakter ni Cristine, "Kasi parang ang daming taon na ang nakalipas.

"Parang ang pangit naman na mag-i-stuck up kami pareho ni Cristine sa isyu na 'yon."

Nabanggit di ni Aiko na dapat ay hindi ito makaapekto sa pagiging magkatrabaho nila ni Cristine sa ngayon.

Aniya, "Looking back, parang napakaganda lang ng proyekto na ito para lang pairalin ang isang isyu na matagal naman nang natapos."

"Tinatapos na namin ito ngayon at sa mga susunod na araw. Dapat wala nang isyung ganito," deklara pa niya.

CRISTINE IS OKAY WITH AIKO. Sumang-ayon naman si Cristine na  hindi na dapat pag-usapan ang nakaraang isyu sa pagitan ng kanyang ate at ni Aiko.

"Hindi pa ako artista noon!" biro pa ng young actress.

Bilang patunay, ikinuwento ni Cristine kung paano siya napalapit kay Aiko.

Aniya, "First na nagkita yata kami sa story conference. Ako 'yong nahihiya.

"Nahihiya akong lumapit. Medyo awkward kasi.

1  2  Next »

Related Articles

11 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name