news

Aiko Melendez wants media to forget past issue with Cristine Reyes's sister, Ara Mina

by Nerisa Almo posted on July 15, 2011  STATS: 503 Views | 11 Comments

 

"Tinatapos na namin ito ngayon at sa mga susunod na araw. Dapat wala nang isyung ganito," Aiko Melendez pleads to the media when asked if her  issue with Ara Mina affects her working relationship with Ara's  younger sister Cristine Reyes. Ara was formerly linked to Aiko's ex-husband Jomari Yllana.

 

Photo By: Noel Orsal

Sa pagasasama nina Cristine Reyes at Aiko Melendez, may ilang naintriga kung paano ang samahan ng dalawa sa set.

Matatandaang minsan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Aiko at ang ate ni Cristine na si Ara Mina.

Ito ay dahil sa pagkakaroon ng relasyon ni Ara sa dating asawa ni Aiko na si Jomari Yllana.

Subalit dahil matagal nang nangyari ito, nakiusap si Aiko na sana ay hindi na ito maungkat, lalo pa't katrabaho niya ngayon ang nakababatang kapatid ni Ara sa Reputasyon.

"Ayaw ko nang pag-usapan 'yon," hiling ng aktres sa ginanap na press conference para sa bagong afternoon teleserye ng ABS-CBN.

Sabi pa ni Aiko, na gumaganap bilang kontrabida sa karakter ni Cristine, "Kasi parang ang daming taon na ang nakalipas.

"Parang ang pangit naman na mag-i-stuck up kami pareho ni Cristine sa isyu na 'yon."

Nabanggit di ni Aiko na dapat ay hindi ito makaapekto sa pagiging magkatrabaho nila ni Cristine sa ngayon.

Aniya, "Looking back, parang napakaganda lang ng proyekto na ito para lang pairalin ang isang isyu na matagal naman nang natapos."

"Tinatapos na namin ito ngayon at sa mga susunod na araw. Dapat wala nang isyung ganito," deklara pa niya.

CRISTINE IS OKAY WITH AIKO. Sumang-ayon naman si Cristine na  hindi na dapat pag-usapan ang nakaraang isyu sa pagitan ng kanyang ate at ni Aiko.

"Hindi pa ako artista noon!" biro pa ng young actress.

Bilang patunay, ikinuwento ni Cristine kung paano siya napalapit kay Aiko.

Aniya, "First na nagkita yata kami sa story conference. Ako 'yong nahihiya.

"Nahihiya akong lumapit. Medyo awkward kasi.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  hayohay

    07/18/2011 | 10:44 AM
    watched the replay yesterday, maganda ang story. too bad, di ko masusubaybayan dahil hapon at nasa trabaho ako.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  sosingmasa

    07/18/2011 | 10:25 AM
    walang kinalaman si cristine sa anumang issue..yun lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • indiahenretta

    07/18/2011 | 12:14 AM
    True, forgive and forget. Ano ba naman ang dapat pag awayan LALAKI? Too shallow!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2828cris

    07/16/2011 | 11:48 AM
    ANG GANDA NG REPUTASYON.n0od poh kau.ganda tlga ni cristine...grbeeeh:-
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yaralei

    07/16/2011 | 07:19 AM
    ganda ng reputasyon..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • amsy09

    07/16/2011 | 06:53 AM
    Grabeh ang kinis ni christine compare kay aiko! D ko feel maging kontrabida c aiko lalo na sa role nia na may lalake e super taba! Dapt kinuha e ung sexy pra nman magbagay ang pangangaliwa ng wife.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tgif

    07/16/2011 | 01:49 AM
    Pagkatagal-tagal na ng isyung yon inungkat pa talaga ng sinumang reporter na yon. Hoy gising reporter! LAhat nag-move on na. Ikaw lang ang hindi!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angelofangel

    07/16/2011 | 01:12 AM
    Sobrang ganda ng Reputasyon!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    07/16/2011 | 12:41 AM
    kahit naman kasi hindi pinatulan ni ara si jomari...maghihiwalay parin sila ni aiko. kasi nga ang daming babae nitong si jomari kay ara lang sya nag-stay for a while after aiko kasi yummylicious si ara noon, ewan ko kung ano ang meron sa samahan ni jom at pops hehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • napazu7

    07/15/2011 | 11:28 PM
    I remember dati sa S-Files ng GMA7 cnabi noon ni Aiko na ibang babae at hindi si Ara ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Jomari. Ara came during the time na split na sina Aiko at Jom. But something went wrong between Aiko and Ara after that....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • critical_critic

    07/15/2011 | 09:50 PM
    yan, dapat ganyan. forgive and move on.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About