Seloso ba ang boyfriend niyang si Direk GB Sampedro?

"Hindi naman.  Pero conservative kasi kami.  Ako rin nahihiya. In an FHM event, I don't think I would feel comfortable to have him around, you know? Seeing whatever it is being seen by the public.  You know what I mean?" paliwanag ni Daiana Menezes.

 

Photo: Mark Pimentel



No. 44 ang ranking ni Daiana Menezes sa taong ito ng FHM 100 Sexiest Women of the World poll, kaya naman kasama ang nasabing Brazilian-model-turned-showbiz personality sa mga rumampa sa kakatapos lang na victory party ng FHM sa World Trade Center nuong Huwebes nang gabi.

Dalawa ang naging partisipasyon ng foreign beauty sa show na may burlesque theme:  Una ay ang dance number niya with Iwa Moto, at pangalawa ay ang kanyang runway walk para ipakilala siya.

Inamin ni Daiana sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) na kinabahan siya sa kanyang dance number.

"Iba kasi yung crowd, mostly mga lalake at saka full production number yun.  You have to do your best. Yun ang nakaka-pressure doon," aniya.

Tinukso namin si Daiana na baka kaya siya kinabahan ay dahil nasa paligid lang ang kasintahan niyang si Direk GB Sampedro at conscious siya sa magiging galaw niya sa harap ng mga male audience.

"Ay, hindi.  Kasi ayaw niya ng mga ganitong event, e." Dagdag pa niya na hindi niya kasama ang naturang boyfriend sa event.

Seloso ba si Direk GB Sampedro?

"Hindi naman.  Pero conservative kasi kami.  Ako rin nahihiya. In an  FHM event, I don't think I would feel comfortable to have him around, you know? Seeing whatever it is being seen by the public.  You know what I mean?"

Sa dance number niya, naka-hot pants si Daiana at halos walang makitang daring sa kanya ang mga male audience.

"Yeah, I was very wholesome this time," aniya.

Bilin ba ni Direk GB na magpaka-wholesome siya sa appearance niya sa FHM?

"Hindi naman.  He supports me in everything I do.  I guess, he agrees with everything I do.  Kasi we met that way," paliwanag niya.

Nasulat ni Jojo Gabinete sa kanyang kolum sa Abante nitong mga nakaraang araw ang tungkol sa pagpunta ni Daiana sa Hong Kong. Ayon sa panulat, may nakakita sa Brazilian sa airport kasama si Direk GB. 

Saad pa ni Jojo, baka kaya hindi sumama si Daiana sa  grupo ng Eat Bulaga sa Italy ay dahil sa HK trip nilang ito ng nasabing TV director-boyfriend niya.

Ikinagulat ni Daiana ang pagkakabuko ng kanyang HK trip.