Madalas sabihin ng mga artista na sa indie films sila nakakaranas ng fulfillment in their craft. Allen Dizon is one actor who feels this way.
In fact, sa taong ito, bukod sa Deadlines, may entry rin si Allen sa Cinemalaya Film Festival na kasalukuyang ipinapalabas sa CCP at Greenbelt 3.
May mahalagang role na ginagampanan si Allen sa pelikulang Patikul na dinirek ni Joel Lamangan. Kuwento ito ng hindi matapos-tapos na kidnapan, encounter sa Jolo, partikular sa lugar ng Patikul sa Mindanao kunsaan, naapektuhan ang edukasyonng mga bata duon. Pero may mga magulang at mga guro na patuloy na pinangangalagaan at pilit itinataguyod ang kahalagahan nito sa kabila ng crisis sa naturang lugar sa bansa.
Masuwerte si Allen dahil ang mga nagagawa niyang indie films ay halos puro socially relevant at kakapulutan ng aral.
Aniya, "Actually, after Dukot, naging aktibista ko ro'n, Sigwa naman, naging deep-penetrating agent naman ako. Sa Deadlines, journalist ako, tapos 'etong Patikul. Puro makabuluhan.
"Para sa akin, okay siya kasi, namumulat ako. Para akong nag-aaral dahil sa ginagawa kong pelikula. Itong Patikul, hindi lang puro aktingan dito. Ayaw nga ni Direk Joel na umaarte kami. Napapagalitan kami kapag umiiyak kami. Parang lahat subdued, controlled, natural.
"Pero sa ganda ng role, sobra, natutuwa ko."
Fulfilled ba siya kapag gumagawa ng indie?
"Oo, masaya ako kapag gumagawa ako ng pelikula. Marami akong natutunan. Marami akong nababago sa sarili ko. Yung mga hindi ko nakikita dati, ngayon nakikita ko. Kailangan kong pag-aralan, kailangan kong mamulat. Ngayon, sa mga pelikula, unti-unti, natututo ako."
Pagkatapos raw ng mga sexy films na ginawa niya noon, iba raw ang feeling na halos makakabuluhang istorya naman sa movie ang naibibigay sa kanya ngayon.
Aniya, "Nakakataba ng puso na nalinya ako sa sexy, at ngayon ay sa makabuluhang pelikula. Naging dramatic actor na ako. Natutuwa naman ako."
Namimili ba siya ng mga tinatanggap niyang role?
"Hindi naman, I don't limit myself naman pagdating sa mga ginagawa ko. Pero dahil siguro hindi na ako bata, siguro hindi na ako gagawa ng mga ganoon. Para sa akin, okay na ako. Graduate na ako. Okay na yung ganito, mas masaya na ko. Mga baguhan na lang, marami namang baguhan, e."
Although mostly socially relevant films na ang halos magkakasunod niyang nagawa, magkakaiba pa rin daw ang tema ng mga movies. Tulad na lang sa Deadlines at sa Patikul.
Ayon kay Allen, "Dito sa Patikul, ang ipinakita ko rito ay yung kahalagahan ng edukasyon. Na hindi naman lahat nabibigyan ng chance na mag-aral. Hindi lang sa atin, kumbaga, global, buong mundo.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 jakar
5 Numan
4 r2kin2
3 chikorita_pikachu
2 Numan
1 chikorita_pikachu