"Nagpapasalamat nga din po ako sa mga tween stars na established na, kasi kahit na bago pa lang po ako dun sa samahan, winelcome po nila ako, welcome na welcome po ako. Kahit nung storycon po, bago pa magsimula ang pelikula namin, talagang very accommodating po lahat, hindi nila ako trinatong outsider," says Alden Richards about his fellow tween stars.

Photo: Noel Orsal

Ang tween star na si Alden Richards ang guest ni John "Sweet" Lapus sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, July 17.

Bago nagsimula ang kanilang tanungan ay binanggit muna ni Sweet ang impormasyon na si Alden ay nagtangka nang mag-artista dati by auditioning sa StarStruck Batch 5.

Pero hanggang sa Top 60 lamang nakaabot si Alden.

"Yung batch po nina Steven Silva at Sarah Lahbati," banggit ni Alden.

"Mataba po siguro ako nun, e," sabi niya kung bakit sa palagay niya ay hindi siya sinuwerte dati.

PRESSURE. Ang unang tanong kay Alden ay kung nape-pressure ba siya sa mga kasabayan niyang baguhan sa showbiz, tulad na lamang ng Amaya star at modelong si Mikael Daez.

"No" ang sagot ni Alden at sumang-ayon naman sa kanya ang truth verifier machine.

"Kasi ako naman po, naniniwala na lahat naman ng artista ng GMA-7, may kanya-kanya pong potensiyal.

"And I am sure naman po si Kuya Mikael naman, e...  Iyon yung forte niya, magaling naman po siyang aktor, kaya po naging blockbuster rin yung movie [Temptation Island].

"Kaya para sa akin po, wala pong pressure," pahayag ng 18-year-old actor.

COMPETITION. Ang sumunod namang tanong kay Alden ay kung totoong may kumpetisyon sa kanila ng mga kapwa niya male tween stars na kasama niya sa pelikulang Tween Academy: Class of 2012 tulad nina Joshua Dionisio, Jake Vargas, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio.

"No" ang sagot ni Alden at truth ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

"Wala po, wala po," sabi niya.

"Nagpapasalamat nga din po ako sa mga tween stars na established na, kasi kahit na bago pa lang po ako dun sa samahan, winelcome po nila ako, welcome na welcome po ako.