"Halos lahat po maganda ang pagtanggap sa akin, ang JoshBie [Barbie Forteza], JaBea [Binene], Derrick-Lexi [Fernandez], Kris-Joyce Ching."
Kahit daw ang fans ng ibang tween stars ay mabait sa kanya, wala raw iringan sa pagitan ng fans ng tween stars.
Ang pelikula nila ay ipalalabas na sa August 24, mula sa GMA Films, sa direksiyon ni Mark Reyes.
SAM PINTO. Ang pangatlong tanong kay Alden ay nagmula sa ka-loveteam niyang si Louise delos Reyes.
Totoo ba na kahit wala na siyang eksena at pack-up na ang shooting niya ay tumatambay pa rin siya sa set para bantayan si Sam Pinto na nasa cast rin ng pelikula bilang isang teacher?
"No" ang isinagot ni Alden at "Lie" ang naging resulta nito.
"Aminado naman po ako na crush ko si Ms. Sam Pinto," sabi ni Alden nang hingan siya ng paliwanag ni Sweet.
"Pero tungkol dun sa tumatambay ako sa set para bantayan siya, nangyari po 'yon sa isang location namin sa Quezon City.
"Maaga lang po natapos ang eksena namin ni Louise, nag-decide lang po ako na mag-stay."
Nagkataong si Sam lang daw ang kinukunan during that time.
Given a chance, ikatutuwa raw ni Alden na makasama on a friendly date si Sam.
"Sana po..."
At sa pambubuyo ni Sweet, on national television ay inanyayahan ni Alden si Sam na mag-date.
"Ms. Sam Pinto, I hope you don't mind po if I ask you out on a friendly date," ang hiyang-hiya at kinikilig na sinabi ni Alden.
Isa rin daw si Alden sa mga bumoto kay Sam sa FHM Sexiest Woman poll na kung saan nag-number one ang sexy actress.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
35 rotoscaper
34 siomai
33 rotoscaper
32 siomai
31 siomai
30 siomai
29 rotoscaper
28 siomai
27 juanchita
26 siomai
25 siomai
24 siomai
23 siomai
22 siomai
21 siomai
20 lovelyina
19 siomai
18 siomai
17 siomai
16 siomai
more comments