"Siyempre nagulat ako. Si Ms. Regine ba magbibigay ng fake? Siyempre hindi. Kaya nagulat ako. 'Talaga ba, thank you,' sabi ko sa kanya. Hinahanap ko nga ang kuwintas, e, charing!" says Angeline Quinto about the pair of earrings that Regine Velasquez gave her.

Photo: Allan Sancon

Simula nang ipagbuntis ni Regine Velasquez ang magiging anak nila ng asawang si Ogie Alcasid, hindi na halos visible sa showbiz ang Asia's Songbird.

Pero sa nakaraang concert ni Angeline Quinto titled Patuloy Ang Pangarap held at SM Skydome, marami ang nasorpresa sa paglabas ni Regine para sa makipag-duet with the Star Power grand winner.

Nakapanayam naman ng The Buzz si Angeline na ipinalabas kahapon, July 17, para kunin ang reaction ni Angeline sa mga naging pahayag ni Regine noong concert niya.

"Siyempre po, isang malaking karangalan po sa akin dahil siyempre, idolo ko yun, e. Bata pa lang ako, idol ko na si Ms. Regine."

Ayon daw sa misis ni Ogie, kung noon ay natalo si Angeline ni Sarah Geronimo sa Star for A Night, this time, it's Angeline's turn to shine.

Sabi pa ni Angeline, "Tapos, siya pa ang nagsabi sa akin na, next superstar [daw ako]. Kaya ano, sobrang sarap sa pakiramdam. 

"Talagang wala akong masabi kung hindi thank you, thank you talaga."

Noong rehearsal daw nila, binigyan ni Regine si Angeline ng isang pares ng hikaw bilang good luck charm sa first concert niya.

"Siyempre nagulat ako. Si Ms. Regine ba magbibigay ng fake? Siyempre hindi.

"Kaya nagulat ako. 'Talaga ba, thank you,' sabi ko sa kanya. Hinahanap ko nga ang kuwintas, e, charing!" biro pa niya.

Malamang na sa bigger venue na raw ang susunod na concert niya. Sa Araneta Coliseum na kaya ang susunod niyang concert?

Sinagot ito ni Angeline nang pabiro na, "Sinabi na sa 'yo, 'te? Charing! Biro lang. Hindi ko alam talaga.

"Pero kung alam niyong ganyan. Siguro," pa-humble niyang sagot.