news

Angeline Quinto eyes Araneta Coliseum as venue of her next concert

by Rose Garcia posted on July 18, 2011  STATS: 12990 Views | 69 Comments

 

 

"Siyempre nagulat ako. Si Ms. Regine ba magbibigay ng fake? Siyempre hindi. Kaya nagulat ako. 'Talaga ba, thank you,' sabi ko sa kanya. Hinahanap ko nga ang kuwintas, e, charing!" says Angeline Quinto about the pair of earrings that Regine Velasquez gave her.

Photo By: Allan Sancon

Simula nang ipagbuntis ni Regine Velasquez ang magiging anak nila ng asawang si Ogie Alcasid, hindi na halos visible sa showbiz ang Asia's Songbird.

Pero sa nakaraang concert ni Angeline Quinto titled Patuloy Ang Pangarap held at SM Skydome, marami ang nasorpresa sa paglabas ni Regine para sa makipag-duet with the Star Power grand winner.

Nakapanayam naman ng The Buzz si Angeline na ipinalabas kahapon, July 17, para kunin ang reaction ni Angeline sa mga naging pahayag ni Regine noong concert niya.

"Siyempre po, isang malaking karangalan po sa akin dahil siyempre, idolo ko yun, e. Bata pa lang ako, idol ko na si Ms. Regine."

Ayon daw sa misis ni Ogie, kung noon ay natalo si Angeline ni Sarah Geronimo sa Star for A Night, this time, it's Angeline's turn to shine.

Sabi pa ni Angeline, "Tapos, siya pa ang nagsabi sa akin na, next superstar [daw ako]. Kaya ano, sobrang sarap sa pakiramdam. 

"Talagang wala akong masabi kung hindi thank you, thank you talaga."

Noong rehearsal daw nila, binigyan ni Regine si Angeline ng isang pares ng hikaw bilang good luck charm sa first concert niya.

"Siyempre nagulat ako. Si Ms. Regine ba magbibigay ng fake? Siyempre hindi.

"Kaya nagulat ako. 'Talaga ba, thank you,' sabi ko sa kanya. Hinahanap ko nga ang kuwintas, e, charing!" biro pa niya.

Malamang na sa bigger venue na raw ang susunod na concert niya. Sa Araneta Coliseum na kaya ang susunod niyang concert?

Sinagot ito ni Angeline nang pabiro na, "Sinabi na sa 'yo, 'te? Charing! Biro lang. Hindi ko alam talaga.

"Pero kung alam niyong ganyan. Siguro," pa-humble niyang sagot.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

69 Comments

  • 69  bostongirl

    07/20/2011 | 12:26 AM
    correction turning 22...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 68  bostongirl

    07/20/2011 | 12:22 AM
    ano bang bata...22 na kaya yan...si SG nag start ng 14, si Angeline 22 kaya tigilan na yang komparison ek.ek.ek. na yan kasi milya milya na ang narating ni Sarah. Sarah is in the business for more than 8 years maintaining her star prowess. Si Angeline pag yan nag 8 years sa business good luck na lang because that means she's already in her 30's. Mas maganda kung ang kaakibat ng iyong talento ay ang pagiging mapagpakumbaba mo...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 67  puckerlips143

    07/19/2011 | 11:04 PM
    i love jonalyn viray voice i supported her kaso na-iimbyerna ako sa dalawa nyang kasama sa la diva ewan ko kung bakit hindi ito mapasikat ng gma i mean si jonalyn she have that unique voice medyo husky na buo tapos taas din bumirit bihira lang merong ganyang voice karamihang voice like nitong kay angeline puro birit walang lambing hindi ka kikilabutan dahil hindi mo ramdam ang awit kapag kumakanta..i choose jonalyn over angeline kapag nagshowdown tong dalawa nato hihikain si angeline. paging gma pagsolohin nyo naman si jonalyn at ihiwalay na sa dalawang masakit sa tenga ang boses.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 66  Nowelle

    07/19/2011 | 09:28 PM
    OVERHYPE. Sumikat dahil sa ikinakabit ang pangalan niya sa mga mas sikat para lang mapag-usapan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 65  accenture2

    07/19/2011 | 08:40 PM
    Wala pa siya sa kalingkingan ni Regine...OMG! Ang lakas ng tama ng babaeng eto.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 64  accenture2

    07/19/2011 | 08:35 PM
    Hinog sa pilit itong si AQ sana lang masustain niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 63  accenture2

    07/19/2011 | 08:33 PM
    Nakakaloka ang fan ni rachelle or fan nga ba? Bakit kasi hindi mo siya ikumpara kay rachelle instead na kay sarah. Bitter tuloy ang dating mo. Kung boses rin lang di hamak na magaling at flexible ang boses ni sarah and mas soothing pa. Hello1! BTW, Gold lang ang album ni AQ hindi platinum.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 62  lykerkick16

    07/19/2011 | 06:21 PM
    ano ba mas maganda? ung magguest c ms reg? na nalaman mo? or ung makita mo nalang c ms reg na nano2od sa concert mo? skydome or araneta?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 61  rom_05

    07/19/2011 | 03:22 PM
    kamukha nga siya ni Regine pero yung chubby version at nung mga 30 above na. And i have to agree medyo over hype nga tong batang to pero malay natin medyo masanay na ang tao sa kanya at magustuhan na rin siya pagtagal.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 60  oskieness

    07/19/2011 | 02:07 PM
    OVER HYPE....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 59  oskieness

    07/19/2011 | 02:06 PM
    no. 54.....naaawa ako KAY JAYA kase nag promote sya sa HYY..lol....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 58  Numan

    07/19/2011 | 02:06 PM
    mamatay kayo sa inggit mga kangungu hahahahah dream on guyssssssssss
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 57  dreamer

    07/19/2011 | 01:56 PM
    hindi lang siguro talaga matanggap ng ibang tao na minsan sa buhay may dadating na bago na magugustuhan din ng viewers. takot lang siguro nararamdaman ng iba para sa idolo nila kasi may iba ng napagtutuunan ng pansin, nabibigyan ng project, napupuri at nagkakapangalan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 56  ecinaj_6579

    07/19/2011 | 01:47 PM
    KAY REGINE NA NAMAN IKINABIT ANG PANGALAN NITO...HEHE PAGKATAPOS KAY SARAH, KAY SAM MILBY, COCO MARTIN...ANO BA YAN? PAG-USAPAN BA
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 55  ecinaj_6579

    07/19/2011 | 01:42 PM
    SUPERSTAR DAW OH...AMBISYOSA!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 54  cherish8888

    07/19/2011 | 01:29 PM
    Very funny talaga mga comments ng iba dito...to think na si Regine ang gustong mag guest dun sa concert...and take note for free yun...at sya pa nagbigay ng gift kay Angeline...and Regine watches ABS CBN's shows like Gandang Gabi Vice etc...she even called Vice thru phone na she watched the show...meaning alam nya na mas marami talagang sikat at talented sa Channel 2...aminin na lang natin na marami talagang Superstars ang Channel 2...magaling sila gumawa ng movies, shows...magaling sila magpasikat ng new talents..and even promotion malakas talaga Ch2...kaya nga before gustong lumipat ni Manny Pacquiao remember...even Jaya promoted her shows abroad via Happy Yippee Yehey guesting...hay tanggapin na lang natin ang TOTOO.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 53  indiahenretta

    07/19/2011 | 01:27 PM
    I love Angeline's talent, what a voice. So high pitch and totally expressive. Angelina you will go far. Hope you all the best. I can say count me in as one of your fan and supporter. Take care and more blessings.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 52  oskieness

    07/19/2011 | 01:07 PM
    kung AKO SA GMA...pasikatin nila ang mga singers nila...bgyan nila ng concert TPOS I GUEST ANG MGA STARS...DAMI DAMING PWEDENG GMITIN PARA SUMIKAT ANG MGA SINGERS...TULAD NILA REGINE ..OGIE SILA DINGDONG MARIAN RICHARD...hay naku GMA..Tingnan nyo ang channel 2 kumukuha pa ng stars sa KAPUSO para mnapasikat ang SINGERS NILA...bkit d nyo bgyan ng solo condert si JONALYN tpos i pa guest si REGINE o KAYA SI JULIE ANN SAN JOSE franchesca farr..or yung SHINKY...rachel ann at KYLA..EWAN KO SA INYO GMA..MAGISING KAU...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 51  Pulmoll_0709

    07/19/2011 | 12:44 PM
    Paging GMA.. di nyo naman kayang magpasikat tigilan nyo na yang PROTEGE' na yan... nakakainis na kau.. nag iipon lang kau ng singers pero di naman mapasikat... ang daming magagaling pero hanggang dun na lang.. SAYANG is the perfect word!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 50  Pulmoll_0709

    07/19/2011 | 12:40 PM
    I like Jonalyn viray sa mga young singers.. mag showdown kaya cla taob lahat yan kay JOna.. mahina lang talaga GMA sa pagpapasikat ng mga singers nila.. kc nga nakafocus sa mga artista kaya minsan naiinis na ako sa GMA kahit kapuso ako masasabi ko talaga na walang kwenta clang magpasikat ng mga singers... sayang ang mga magagaling nilang singers like Kyla, Jonalyn, at ngayon c Rachell ann... tapos ngayon may search pang Protege' di naman mapasikat ang mga singers.. nakakainis.. ito lang talaga yung pinaka kinaiinisan ko sa GMA! KAPUSO po akong totoo at di ako nagpapanggap... cnabi ko lang yung opinyon ko.. Kaya tayong mga kapuso wag ng magbulag bulagan kahit gaano pa kagagaling ang ating mga singers kung ang kanilang mother studio naman ay di cla kayang pasikatin wala ring mangyayari.. di tulad sa ABS kahit mga sintunado ang boses at pilit na bumibirit sumisikat kc nga pinagkakabalahan ng ABS. nakakalerky...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About